^

Punto Mo

Manyakol na OFW, markado ka sa Bitag-Kilos Pronto!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA pamamagitan ng teknolohiya at internet, madali na lang ang makipagkilala at makipag-usap sa kahit kaninong tao saan mang sulok ng mundo. Kaya paulit-ulit na paalala ng otoridad, mag-ingat sa mga kawatan at mapagsamantalang tao.

Bukod sa online scam, online threat at identity theft, kalimitang reklamo na natatanggap ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ay ang pagpapakalat ng mga hubad na larawan at video o ang anti-photo and video voyeurism.

Kamakailan lang, isang kaso ng sextortion ang aming tinrabaho at hinawakan. Sa tulong ng NCRPO-Regional Special Operations Unit (RSOU), hulog sa aming BITAG ang manyakol na nagpakalat ng mga hubad na larawan.

Hindi ito nalalayo sa kasong inilapit ng isang OFW nito lamang Martes sa Bitag-Kilos Pronto. Kuwento ng ginang, Facebook ang naging takbuhan niya para mapawi ang homesickness na nararamdaman.

Di kalaunan, nakilala niya ang isang Pinoy na OFW din sa Saudi na si Jay Casupanan. Dala ng lungkot at pangungulila sa asawa, nakagawa siya ng isang bagay na habang buhay niyang pagsisisihan. Ang dalawang OFW kasi, nagkapalitan ng mga hubad nilang larawan.

Dahil sa konsensiya at pagmamahal sa pamilya, nakikipaghiwalay na ang Pinay.  Ang Problema, ayaw pumayag ng manyakis na OFW at tinatakot siyang ipakakalat ang mga private photos nito.

Sa pag-aakalang di ito magagawa ng kapwa Pinoy, itinuloy niya ang pakikipaghiwalay dito. Inamin din ng Pinay sa asawa niya ang nagawang pagkakasala. Dahil di matanggap ang pakiki-paghiwalay ng babae, ipinadala ni gago ang mga hubad na larawan ng Pinay sa mismong asawa nito. Kinakatakot ngayon ng Pinay, baka kung kanino pa ipadala ang kanyang mga private photo.

Para matawag ang pansin ng manyakol na OFW at pamilya nito, inilantad namin ang mukha niya sa aming programa. Baka sa pamamagitan nito, tablan siya ng konting hiya at konsensiya o di naman kaya mangatog ang kanyang bombolyas sa takot.

Dahil kasalukuyan pa siyang nasa Saudi, malaya pa siyang makakapamuhay. Pero sa oras na dumating ang kumag na ito sa bansa, siguradong mayroon siyang kalalagyan.

Batid ko ang sakripisyo at hirap ng sitwasyon ng mga kababayan nating OFW. Di ko sinasabing tama ang ginawa ng Pinay, pero huwag naman sana natin siyang husgahan. Ang importante, inamin niya ang pagkakamali at sinsero ang kanyang pagsisisi.

vuukle comment

INTERNET

TEKNOLOHIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with