^

Punto Mo

Komunidad sa idaho, nilusob ng daan-daang kambing

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KUMALAT sa social media ang larawan ng daan-daang kambing matapos lusubin ng mga ito ang isang komunidad sa Boise, Idaho.

Mabuti na lamang at hindi alintana ng mga residente ang pagdagsa ng mga kambing dahil sa halip na mainis ay natuwa pa sila sa pagkuha ng mga litrato sa kanilang mga “bisita.”

Mabilis tuloy nag-viral ang larawan at video ng mga kambing, na umani ng mga komento at pinagkunan pa ng iba’t ibang memes sa social media.

Pabiro pang sinabi ng mga residente na nagpapasalamat pa nga sila sa pagdating ng mga kambing sa kanilang lugar. Hindi na raw kasi nila kakailanganin pang magtabas ng damo sa kani-kanilang mga bakuran dahil kakainin na ito ng mga kambing.

Napag-alamang nagmula sa isang rent-a-goat company ang mga kambing, na pawang mga nakatakas pala sa kanilang kural bago nila dinumog ang komunidad sa Boise, Idaho.

Hindi rin naman nagtagal ang pag-okupa ng mga kambing sa bakuran ng mga residente dahil kaagad din silang sinundo ng isang truck na naghatid sa kanila pabalik sa kanilang amo.

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with