^

Punto Mo

10 katotohanan ayon sa psychology

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Kung hindi ka makatulog sa gabi dahil sa kaiisip ng kung anu-ano, tumayo ka at isulat ang lahat ng naiisip. Kapag naisulat mo na lahat, muling mahiga. Matatahimik na ang isipan mo at mabilis ka nang makakatulog.

Ang average time na kayang itago ng isang babae ang sikreto ay 47 hours, 15 minutes.

Mas lalong nagiging attractive ang isang tao kung ang ikinukuwento niya ay mga bagay na hilig niyang gawin.

Mas masaya tayo, mas kakaunti ang oras na ating naitutulog.

Nakakabawas ng sakit at pag-aalala, kung hinahawakan ang ating kamay ng ating mahal sa buhay.

Kakaunti lang ang friends ng matatalinong tao kumpara sa mga taong may average intelligence. Mas matalino kasi, mas choosy sa mga taong kakaibiganin.

Ang mga babaing maraming kaibigang lalaki ay mas cool at laging nasa good mood.

Ang taong nagsasalita ng dalawang lengguwa­he o higit pa ay hindi sinasadyang nagpapalit ng perso­na­li­ty habang nagpapalit-palit siya ng lengguwa­heng sina­salita.

Masama sa kalusugan ang pag-iisa sa matagal na panahon. Kasingsama ito ng paninigarilyo ng 15 sticks per day.

Kapag ang paa ng kausap mo ay nakadirekta palayo sa iyo, ito ay senyales na gusto na niyang tapusin ang inyong pag-uusap dahil naiinip na siya.

vuukle comment

PSYCHOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with