^

Punto Mo

Napoles et al, sisikat sa US of A

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MALAMANG sa US of A, mapun­ta si Janet Lim Napoles et al, para ha­rapin ang kaso nito at magpaliwanag sa US federal grand jury.

Naku ha!

Malaking issue ito sa Tate.

Tiyak sasabit si Napoles et al todits kaya humanda na siya sa kanyang mga sasabihin.

Ika nga, inglisan blues ang usapin dito.

Kaya kung ano man ang mangyayari sa kasong tatalakayin sa US of A tiyak ang pitsa ninakaw ay mababalik sa madlang pinoy.

Kinasuhan si Napoles, mga anak at utol ng kasong money laundering dahil malaking salapi ang nakalkal ng mga kano laban sa kanila?

Sabi nga, hindi biro ang halaga.

Ang maganda pa rito oras na nagsalita si Napoles sa US of A tiyak marami itong isasabit na mga opisyal ng gobierno at sisikat pa ang mga pangalan nila roon.

Abangan.

• • • • • •

Malaysiano sabit sa droga sa NAIA

Sabit ang isang Malaysian passenger ng hindi siya paalisin sa Philippines my Philippines ng mga PDEA agents sa NAIA Terminal 2, dahil may itinago itong ‘ketamine’ sa bulsa ng kanyang suot na pantalon habang patungo ito sa final boarding gate para sumakay ng eroplano going to Malaysia.

Si Cheong Seng Onn, 41, ay sasakay sana ng PAL flight PR 507, ng kapkapan ng mga tauhan ng Office of Transportation Security sa ginawang security check at nakapa rito ang isang kulay berdeng pahabang plastic straw na naglalaman ng pulbos na sangkap ng hindi tiyak na rami ng mga pinaghihinalaang Ketamine.

May nakapa sa pantalon na suot ni Cheong na nasa kaliwang likuran bulsa nito ang security frisker sinabihan ang Malaysiano na ibigay ang nasa bulsa upang malaman kung ano ang itinatago niya pero tumanggi ito.

Ang ginawa ng security frisker ay tumawag ng PNP duty officer para ito ang kumuha sa harap ng mga autoridad ang itinatago ni Cheong.

Dinala ito sa isang kuarto at dito kinuha ni Cheong sa bulsa niya ang pulbos na sangkap at kalaunan ay napag-alamang ‘ketamine.’

Ang ketamine ay isang uri ng dangerous drugs sa Philippines my Philippines.

Si Cheong ay kabilang sa isang delegasyon mula sa Malaysia para lamang dumalo sa kombensiyon sa Maynila. Siya at ang mga kasamahan niya ay lilipad na sana pabalik sa kanilang lugar nang mahuli ito sa paliparan.

Ano ngayon ang mangyayari kay Cheong?

Sagot - kakasuhan!

• • • • • •

Umawat lang sa away naka-boga pa

Sobra sa porma ang may-ari ng tapahan d’yan sa Sta. Cruz, Manila, ng lumabas ito ng kanyang tsibugan para awatin ang mga nag-aaway sa kanyang lugar ang masama bitbit pa nito ang kanyang boga.

Ayon sa hindi malamang dahilan pumutok ang boga nito at tinamaan sa likod ang isang bebot na ikinamatay ng huli.

Puede naman umawat ng walang bitbit na boga ang may-ari ng tapahan tuloy kaso ang inabot mo.

Moral lesson - huwag masiadong magpaka-bida!

Tuloy ikaw ang nakulong. Hehehe!

vuukle comment

JANET LIM NAPOLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with