^

Punto Mo

Ang kuwento ng babaing alipin

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Last part)

NAKAPANGYARI ang kagustuhan ng amo ni Sojourner Truth na si Dumont na ang mapangasawa nito ay kasamahang alipin na si Thomas. Hindi nagkaroon ng katuparan ang pagmamahalan nila ng totoo niyang kasintahan na si Robert dahil ito ay alipin ng ibang amo. Hindi pumapayag ang mga slave owners na mapangasawa ng kanilang alipin ang alipin ng ibang slave owners. Kapag nagkaanak ang dalawang alipin na may magkaibang amo, mag-aagawan ang mga ito kung sino ang nagmamay-ari ng mga bata. Magkakagulo kung sino sa dalawang amo ang may karapatang magbenta ng mga anak ng kanilang alipin.

Nagpakasal si Sojourner kay Thomas na kasamahan niyang alipin. Nagkaroon siya ng limang anak. Ang panganay ay namatay nang ipanganak niya. Noong 1827, nagkaroon ng batas sa New York tungkol sa pagpapalaya ng mga alipin. Ngunit ito ay kung na-satisfied ang amo sa serbisyong ibinigay ng alipin. Ang mga anak ng alipin ay palalayain lang kapag tumuntong sa edad na 20 anyos.

Nagkaroon ng injury ang kamay ni Sojourner. Ito ang naging dahilan kung bakit hindi itinuloy ni Dumont ang pangakong pagpapalaya sa kanya. Simula ng nagkaroon ng diperensiya ang kamay nito, ang tingin ni Dumont ay hindi na niya natatapos ang maraming trabaho sa bukid kaya hindi natuloy ang pagpapalaya sa kanya.

Nilayasan niya ang among si Dumont kasama  ang sanggol na bunsong anak. Ang iba niyang anak na limang taon pababa ay hindi niya maisama dahil lalabag siya sa batas. Nakituloy siya sa pamilya Wagenen na mga Christian evangelist at mabait sa kanilang mag-ina. Upang tuluyan na siyang palayain ni Dumont, binili siya kay Dumont ng mga Wagenen sa halagang $20.

Habang nagsisilbi sa pamilya Wagenen, nabalitaan niyang ibinenta ni Dumont ang anak niyang si Peter na limang taon lang sa isang lalaking taga-Alabama. Lalong nagulo ang isip niya  nang malaman niyang inaabuso ang bata ng mga nakabili sa kanya. Noon ay may batas na bawal ibenta ang alipin sa labas ng state na pinagsisilbihan nito. Tinulungan siya ng mga Wagenen na magsampa ng kaso upang mabawi ang anak na si Peter. Kinampihan si Sojourner ng korte at nabawi  niya si Peter. Sumikat siya dahil sa kauna-unahan pagkakataon ay nanalo ang kaso ng isang black na alipin laban sa kanyang amo na isang white.

Simula noon ay naging aktibo siya sa pagkampanya na tanggalin ang slavery sa buong Unites States. Kasama sa ipinaglaban niya ay karapatan ng mga babaeng bumoto sa halalan. Sa sobra niyang kasikatan at dami ng mga isinakripisyo, ang Mars rover na isang automated motor vehicle na ginawa ng NASA para mag-ikot sa planetang Mars ay pinangalanang “Sojourner” bilang parangal sa kanyang kabayanihan.

vuukle comment

SOJOURNER TRUTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with