^

Punto Mo

Mga kompanya sa Japan, bubugahan ng malamig na hangin ang mga empleyadong aantuk-antok

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

WALA nang pagkakataong makaidlip ang mga empleyado sa Japan kapag naikalat na ang isang bagong teknolohiya na magbubuga sa kanila ng malamig na hangin kapag sila ay nahuli nitong inaantok.

Ayon sa Daikin aircon company at NEC electronics company, sinusubukan na nila ngayon ang teknolohiyang kayang ma-detect ang mga empleyadong aantuk-antok sa pamamagitan ng pagsuri sa kanilang mga mata.

Magagawa ito sa pamamagitan ng camera na nakakabit sa computer at kung sakaling makita nito na pipikit-pikit na ang mata ng empleyado ay awtomatiko nang magbubuga ng malamig na hangin ang aircon ng opisina.

Dinebelop ng dalawang kompanya ang teknolohiya matapos nilang malaman sa isang pag-aaral na ang pagpapababa ng temperatura ang pinakaepektibong paraan para maibalik ang sigla sa mga empleyado na nagsisimula nang makaramdam ng antok.

Hindi naman dapat mag-alala ang mga antukin sa trabaho dahil matagal-tagal pa naman ang panahon bago dumating ang teknolohiya sa mga opisina. Sa ngayon kasi ay isang buwan pa lang na nasusubukan ang teknolohiya at sa 2020 pa balak ng dalawang kompanya na ipagbenta ito sa merkado.

vuukle comment

NEC ELECTRONICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with