^

Punto Mo

‘Pasaway’ na naman sa PNP

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nabuko naman ang mga ‘pasaway’ sa PNP na nagbibigay ng batik sa command.

Walang kadala-dala at hindi pinahahalagahan ang kanilang propesyon at mga natatamong magagandang benepisyo.

Bakit kailangan pang madawit sa mga ilegal na aktibidades ang mga ito, na parang hindi na natututo sa mga nagdaang pangyayari sa kanilang mga kasamahan na sinayang at nalihis sa pagseserbisyo.

Magkagayunman, ang kanila na rin namang mga kabaro ang siya ring sumasawata sa kanila.

Kahapon isang bagitong parak na nakadestino sa Taguig City police ang nasawi habang tatlo pa niyang kasamahan na pawang mga pulis din ang natimbog matapos ang naganap na engkuwentro sa lungsod.

Patay sa insidente si PO1 Gerardo Ancheta habang ang mga naarestong kasamahan ay sina PO2 Joey Maru na siya umanong naglilider sa grupo at PO1’s Bryan Amir Bajoof at Paolo Ocampo.

Ang siste katulad sa maraming kinasangkutan ng ilang tiwali, pera ang siyang pinag-uugatan ng katiwalian.

Ito ay sa kabila na itinaas na ng pamahalaan ang sahod sa mga pulis at ang mas nakinabang na siyang nakakuha ng mas mataas na salary increase eh yung mga PO1 o nasa ibabang pwesto pero sa mga pangyayari mas maraming PO1 ang madalas madawit sa mga katiwalian.

Sa insidente sa Taguig, inaresto ang magkasintahan, inakusahan na dawit sa droga, hinuthutan huhuthutan o ipatutubos sa kanilang mga kaanak na nauwi sa madugong engkuwentro.

Nakapanlulumo nga naman ang ganito, pati tuloy ang drug campaign ng pamahalaan nadadamay.

Pati ang kanilang mga kasamahan na walang kamalay-malay nadadamay at higit sa lahat nagkakabatik ang kabuuan ng command.

Gayunman, kung hindi tumitigil ang ilang pasaway, hindi rin titigil ang pamunuan ng PNP sa pagsupil sa mga ito, hanggang sa tuluyang mawalis ang mga ‘bulok na kamatis’ na posibleng makahawa pa sa iba.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with