^

Punto Mo

Matandang Tinali (177)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“AYON sa narinig ko sa mga pulis, dito raw nag-ooperate ang drug syndicate,” sabi ni Manong Naldo. “Mula raw nang maitaboy sa Maynila ay dito na sila nagtayo ng bagong laboratoryo.’’

“Saan po kaya rito, Ma­nong?’’ tanong ni Dong.

“Malawak ang lugar na ito kaya mahirap magsabi.’’

Biglang may naisip si Joy.

“Hindi kaya yung napansin kong kahina-hinalang mga kilos noong nasa sapa tayo at nung may ginagawa tayo sa vegetable garden ay miyembro ng drug syndicate?’’

Hindi makasagot si Dong at Manong Naldo.

“Baka nagsu-survey ng lugar ang sindikato kung saan sila maaring gumawa ng laboratoryo ng shabu.’’

Napatangu-tango si Dong. Posible ang sinasabi ni Joy. Dahil nabulabog ang sindikato sa Maynila, dito sila sa probinsiya nagtatayo ng bagong laboratoryo.

‘‘Dapat pala maging mapagmatyag tayo. Baka hindi natin alam e kapit­bahay na natin ang drug lord,’’ sabi ni Dong.

‘‘Tama ka Dong. Iniisip marahil nila dahil liblib ang lugar na ito, hindi na sila masusundan ng mga pulis.’’

‘‘Kaya kapag may napansin tayong mga kahina-hinalang tao ay dapat ireport natin sa barangay,” sabi ni Dong.

Halata naman ang takot sa boses ni Joy nang magsalita, “Diyos ko, baka magkaroon ng krimen dito. Ang droga ang dahilan kaya maraming krimen. May mga ginagahasa at pinapatay.’’

Inakbayan ni Dong si Joy.

“Kailangan palang nakahanda tayo rito. Mas maganda kung tutulungan natin ang mga pulis para madaling makilala kung sino ang lider ng drug syndicate dito. Kailangang mahuli ang salot!’’

“Hayaan mo at magtatanong ako sa mga pulis at baka mayroon na silang alam.’’

Napahigpit naman ang kapit ni Joy sa braso ni Dong. Nag-iisip siya sa bagong problema.

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with