^

Punto Mo

2,018 drones, sabay-sabay lumipad para sa 50th anniversary ng computer company

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HIGIT sa 2,000 drones ang sabay-sabay na lumipad sa himpapawid ng Folsom, California dahilan upang makapagtala ng bagong world record para sa pinakamadaming drones na lumipad nang sabay-sabay.

Bilang pagdiriwang kasi ng kanilang ika-50 taon, nagpalipad ng 2,018 na drones ang computer company na Intel. Sapat na ito para mahigitan ang world record na naitala sa China noong Abril nang 1,357 drones naman ang sabay-sabay na lumipad.

Tumagal ng limang minuto ang programa, kung saan bumuo ng iba’t ibang imahe ang higit 2,000 drones. Sa dami ng lumilipad sa himpapawid ng Folsom ay nagliwanag ito at binaha ng iba’t ibang kulay mula sa LED ng drones.

Bihasa na ang kompanya sa sa­bayang pagpapalipad ng daan-da­ang drones. Nakapag-perform na ang mga drones ng Intel ng 300 beses sa 16 mga bansa, kabilang na noong opening ceremony ng 2017 Super Bowl sa Amerika at sa Winter Olympics sa Pyongyang na ginanap ngayong taon.

Mahigit 2,000 drones ang sabay-sabay na lumipad sa himpapawid ng Folsom, California.

vuukle comment

DRONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with