^

Punto Mo

Lalaking napatay ng buwaya sa Indonesia iginanti ng mga kababayan, 300 buwaya minasaker!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NASA 300 buwaya ang pinagpapatay sa isang bayan sa Indonesia bilang ganti sa pagkamatay ng isang lalaki roon.

Armado ng mga itak at batuta ang mga taga-distrito ng Sorong sa probinsiya ng West Papua nang pagpapatayin nila ang mga buwaya sa isang crocodile farm doon bilang paghihiganti sa pagkamatay ng kanilang kababayan.

Napag-alamang napatay ang lalaki nang pumasok ito sa crocodile farm upang manguha ng halamang puwedeng patuka. Doon na siya inatake ng buwayang nakapatay sa kanya.

Narinig pa ng isa sa mga empleyado ng crocodile farm ang paghingi ng saklolo ng lalaki ngunit huli na ang lahat nang maratnan niya ito.

Pagkatapos mailibing ang lalaki ay agad na sinugod ng taumbayan ang crocodile farm at saka pinagpapatay ang lahat ng buwaya roon.

Makikita sa larawang inilabas ng Antara news agency ang pinagpatung-patong na duguang katawan ng mga buwaya matapos ang ginawang pagmasaker sa kanila ng mga tao.

Ayon sa pinuno ng Natural Resources Conservation Agency sa West Papua na si Basar Manullang, pinagkalooban ng lisensiya ang crocodile farm noong 2013 sa kondisyong hindi magdudulot ng panganib ang mga buwaya sa kalapit na komunidad.

Kaya naman panukala ni Manullang na kailangang siguraduhin ng mga kukuha ng lisensiya para sa mga itatayo pa lamang na crocodile farm na guwardiyado at malayo sa mga tao ang magiging tirahan ng kanilang mga buwaya.

vuukle comment

BUWAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with