^

Punto Mo

Tinapay na niluto 14,500 taon na ang nakararaan, natagpuan sa Jordan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NATAGPUAN sa isang archaeological site sa Jordan ang sinasabing pinakamatandang piraso ng tinapay sa mundo, na tinatayang niluto 14,500 taon na ang nakararaan.

Malaking bagay ang pagkakadiskubre sa mga sunog na piraso ng tinapay hindi lamang dahil sa katandaan nito.

Mas nauna kasi ng 4,000 taon ang pagkakagawa sa tinapay kaysa sa panahong kinikilalang nagsimulang kumalat ang agrikultura sa mga sinaunang tao.

Sa katunayan ay mga halamang hindi nakuha mula sa pagtatanim ang ginamit bilang sangkap sa tinapay.

Pinag-iisipan tuloy ngayon ng mga eksperto kung naunang kumalat ang kaalaman ukol sa pagluluto sa tinapay kaysa sa kaalaman tungkol as pagtatanim.

Ang nangingibabaw kasing kaisipan ngayon ay nauna munang magtanim ang mga tao ng mga halamang katulad ng trigo at mula doon ay natutunan nila ang paggawa ng arina na ginamit nila sa pagluluto ng tinapay.

Dahil sa tinapay na natagpuan sa Jordan ay may posibilidad na baliktad pala ang nangyari; naunang nadiskubre ng mga sinaunang tao ang paggawa ng tinapay kaya naengganyo silang matuto ng agrikultura upang may regular silang mapagkukunan ng arina.

vuukle comment

JORDAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with