^

Punto Mo

EDITORYAL - Laban pa more

Pang-masa
EDITORYAL - Laban pa more

MATAGUMPAY na nabawi ni people’s champ Manny Pacquiao ang WBA welterweight crown makaraang i-knockout si Lucas Matthysse ng Argentina sa kanilang laban sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Linggo. Tatlong beses na-knockout ni Pacman si Matthysse. Unang bagsak ay sa third round nang masapol ng kaliwa sa panga. Ikalawa ay sa fifth round nang biglang lumuhod si Matthysse dahil sa malakas na upper cut at ikatlo ay sa seventh round nang matamaan ng mga kombinasyon dahilan para itigil na ng referee ang laban. Panalo ang 39-anyos na si Pacman kay Matthysse, 35.

Muling pinagkaisa ni Pacman ang mga Pilipino noong Linggo. Walang naitalang krimen habang nagaganap ang laban. Walang trapik sa EDSA sapagkat halos lahat ay inabangan ang laban. Walang naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at New People’s Army (NPA). Naging matiwasay ang bansa sa panahong nakikipaglaban ang Pambansang Kamao. Lahat ay nakatutok sa laban.

Maski si President Duterte ay hindi pinalampas ang laban ni Pacman at nanood katabi pa si Malaysian Prime Minister Mahathir Muhammad. Nagpasalamat si Duterte sa karangalang ibinigay ni Pacman sa bansa. Pero ipinayo niya kay Pacman na kung maaari ay magretiro na ito at lasapin naman ang sarap ng buhay. Tutal naman daw at marami na itong pera, panahon na para magpahinga.

Pero si Pacman na mismo ang nagsabi na hindi pa siya magreretiro. Sa interbyu kahapon sa people’s champ, mga tatlo pang laban umano ang gagawin niya bago magretiro. Malakas pa naman daw siya at kaya pang lumaban. Passion daw niya ang pagboboksing at hindi siya kuntento kapag wala nito. Hinahanap-hanap daw niya. Nagbanggit siya ng mga boksingerong posibleng makalaban sa hinaharap.

Laban pa more. Sige Pacman, bigyan mo pa ng karangalan ang bansa. Kaya mo pa. Marami pa ang nag-aabang ng iyong laban. Marami ka pang mabibigyan ng kasiyahan. Laban pa, Pacman!

Related video:

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with