^

Punto Mo

6 bad habits na delikado sa kalusugan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1.  Ginagamit ang toothbrush ng asawa

Most probably nangyayari ito kapag nasa biyahe kayo, walang mabilhan ng toothbrush sa kinaroroonan n’yo at kating-kati na ang ngipin mo para magsepilyo. Ang tanging remedyo ay hiramin ang toothbrush ng asawa na suwerte na hindi nakalimot magbaon ng isa.

Ang  cavity- or gum disease–causing bacteria at cold and flu viruses ay tumitigil ng 8 oras sa toothbrush kaya paggamit mo ng toothbrush niya, agad itong lilipat sa iyo. Ganoon din ang mangyayari kapag naghahalikan kayo nang paulit-ulit kahit may sinisipon at inuubo ang isa sa inyong mag-asawa.

2.  Naghihiraman ng razor.

Ito ang isang gamit na hindi masyadong napag-uusapan, na dapat hindi ipinahihiram. Halimbawa, may Staphylococcus bacteria ang unang gumamit ng razor, ang naturang bacteria ay madadala sa balat mo lalo na kung masusugatan ka. Ito ay magiging dahilan ng pagkakaroon ng infection, pigsa at iba pang sakit sa balat.

3.  Iinuming muli ang natirang tubig na nasa plastic bottle na naiwan sa kotse nang ilang oras sa ilalim ng init ng araw. Naisubo mo na ito at nahawakan nang ilang beses kaya’t may namahay nang bacteria.

4.  Pinadidilaan mo ang iyong kinakaing ice cream sa  iyong pet dog.

5.  Paggamit ng body wash  sa iyong buhok bilang pang­halili sa shampoo. Nakaka-dry ito ng buhok at nagtatanggal ng kintab.

6. Mabilis na pagkain dahil gutom na gutom. Kapag lagi itong gagawin, nakakadebelop pala ito ng metabolic syndrome, a “cluster” of medical conditions like high blood pressure, high blood sugar, and low levels of HDL (“good” cholesterol) that increases the risk of cardiovascular disease.

vuukle comment

KALUSUGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with