^

Punto Mo

Pangungulila ng isang ina

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ILANG taon ng namamayagpag ang serbisyo-publiko ng BITAG kaya bawat sumbong o reklamo ay alam na namin kung paano reresolbahin. Ang totoo niyan, paulit-ulit lamang naman ang kanilang sinusumbong, tanging pangalan ng biktima ang nag-iiba.

Isang reklamo lagi ang nakakapukaw ng atensyon sa amin, ito ay ang mga ina na nais makuha ang anak nila.

Dikit sa puso ko ang ganitong klaseng reklamo dahil magulang din ako, alam ko kung gaano kasakit at kahirap mawalay sa isang anak.

Sa kasalukuyang taon, tatlong kaso na ng ina ang lumapit sa amin na may ganitong sitwasyon at lahat nabigyan namin ng aksyon sa tulong ng mga ahensiya ng gobyerno.

Iba-iba ang dahilan kung bakit sila napalayo sa kanilang mga anak, may di sinasadya na ipinambayad sa utang, may ipinahiram sa side ng asawang lalaki at di na binalik o kaya naman ay dahil sa pangingialam ng putakerang lola ng bata!

Nakalulungkot isipin na marami sa atin ang hindi pamilyar sa Family Code na nakasulat sa Saligang Batas. Isa sa nilalaman noon na ina ang may legal na karapatan sa pag-iingat at pag-aalaga sa kanilang mga anak.

Kasal man o hindi, nasa poder lagi ng ina ang sanggol o batang edad pitong taong gulang pababa.

Kung sakali naman na wala ang ina ng bata, ang mga magulang o kapatid nito ang dapat mag-aruga at mag-alaga rito. Maliban na lamang kung mapapatunayan na walang kakayanan ang mga ito o di kaya naman ay hindi mabuti ang lagay ng bata sa kamay ng kanyang ina at pamilya nito.

Tanging ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) lamang ang may kakayanan at karapatang makapagsabi ng bagay na ‘to. Mismong BITAG at Kilos Pronto, walang karapatan na sumawsaw dito.

Hindi namin estilo umaksiyon para masabing may ginawa, minsan ibinabahagi rin namin ang katalinuhan sa iba. Kaya sa mga magulang, magsilbi sana itong aral at babala sa inyo. Dapat na alamin at aralin ang Family Code nang sa ganon ay hindi bulag o nangangapa ang isang ina sa kanyang responsibilidad.

 

Para magkaroon ng karagdagang impormasyon patungkol sa Family Code, libreng komunsulta sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng DSWD at PAO.

vuukle comment

PANGUNGULILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with