^

Punto Mo

Loose firearms, nagkalat sa kapuluan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Halos nasa isang milyon pala ang mga loose firearms o mga baril na walang lisensya ang nakakalat sa buong kapuluan na pwede o ginagamit na sa ilang karahasan o krimen na nagaganap sa bansa.

Ang bilang na ito ang target na mawalis ng Philippine National Police (PNP).

Isa sa naisip na paraan ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde para kahit papaano ay mabawasan ang natu-rang bilang ng gun amnesty.

Hinikayat nito ang mga may-ari na iparehistro at lisensiyahan na lang ang kanilang mga hawak na armas.

Kung sabagay hindi naman mahihirapan ang mga gun holder dahil pinadali na ng mga kinauukulan ang pagpoproseso at ang mga rekitos sa License to Own and Possess Firearms.

Kung nakarehistro nga naman kasi ang mga armas, magiging responsable ang mga holder dahil nasa ilalim ito ng kanilang mga pangalan at sakaling magamit naman sa anumang karahasan o krimen ay madaling matutunton kung sino ang nagmamay-ari.

Bukod dito, isasabay na rin ng PNP ang malawakang crackdown laban sa mga gun for hire group na talaga namang mistulang namamayagpag ngayon at nagtataglay ng matataas na kalibre ng armas na siyang ginagamit sa krimen.

Palakasin ang ‘Oplan Sita’, isa pa yan sa mahigpit na kautusan ni Gen. Albayalde maging ang police visibility.

Nalalapit na rin naman ang eleksyon sa susunod na taon, dyan na naman masusumpungan ang mga private armies ng ilang pasaway na politiko kaya dapat din itong matutukan nang husto.

Ngayon pa nga lang ramdam na ang mainit na paglalabanan sa politika, hindi nga ba’t ang ilan sa mga napatay ng local govt. officials eh sinasabing pulitika na ang dahilan.

Mas lalo pa itong iinit habang papalapit nang papalapit ang eleksyon sa 2019.

Mas matinding pagbabantay pa ang kailangan at inaasahan ng publiko sa PNP ukol dito para mapawi ang pangamba at takot dahil sa nangyayaring high-profile killings. 

 

 

vuukle comment

LOOSE FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with