^

Punto Mo

Crackdown vs gun for hire, huwag tigilan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Malawakang crackdown na ang inilunsad ng pamunuan ng PNP laban sa mga gun for hire group, kasunod ito ng mga naganap na pagpaslang sa local goverment officials sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Bukod pa rito, nakatuon na rin ang operasyon ng pulisya sa natukoy na mga Private Armed Groups (PAGs) na malamang na maging aktibo na naman dahil sa nalalapit na halalan.

Nilinaw ng PNP na ang crackdown ay bahagi nang ipinatutupad nilang preventive measures bilang paghahanda sa midterm election sa susunod na taon.

Sa mga naganap na pagpaslang kina Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili, Mayor Ferdinand Bote ng Gen,. Tino, Nueva Ecija at ang pinakahuli nga ay kay Trece Martirez City, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan at ilang mga opisyal hanggang sa level ng barangay, wala namang nakikitang pattern sa mga insidente.

Iba-iba rin ang natutumbok na motibo sa pagpaslang, yung nga lang hindi maitatago na magkaroon ng takot hindi lang ang mga nakaupong opisyal kundi maging ang mga mamamayan dahil nga sa nagkalat na illegal firearms na siyang nagagamit sa mga nagaganap na krimen.

Sasabay pa nga ang nalalapit na halalan sa susunod na taon kaya nga ngayon pa lang ay si­nimulan na ng PNP ang pagpapatupad ng mahigpit na security measures.

Mahirap nga namang malusutan nang malusutan.

Lalu na baka ang mga ganitong insidente ang samantalahin naman ng iba para lang mailigaw ang mga imbestigasyon.

Bukod marahil sa pagpapalakas pa sa police visibility, random checkpoints ay dapat na mapagtunuanan o mapalawak pa ang intelligence operations.

Panahon na rin sa pagkakaroon ng mahigpit na firearms control, dahil talagang sangkaterba na ang mga de-baril.

Sa Maynila nga may isang mekaniko inireklamo ng nakaalitan niyang kostumer na tinutukan nito ng Uzi.

Ganyan na karami ang nagkalat na armas sa mga indibiduwal na dapat na matutukan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with