^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga pulis din ang sumisira sa PNP

Pang-masa
EDITORYAL - Mga pulis din ang sumisira sa PNP

WALANG ibang sumisira sa Philippine National Police (PNP) kundi ang mga pulis na rin mismo. Kahit pa maraming ginagawa si PNP chief Director General Oscar Albayalde para maituwid ang mga pulis na “naliligaw ng landas”, nawawalan din ng saysay sapagkat walang tumitimo sa utak ng mga tauhan. Patuloy pa rin ang mga pulis sa masamang gawain.

Maski si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ay wala ring tigil sa pagpapaalala sa mga pulis na huwag sirain ang tiwala ng taumbayan. Paulit-ulit ang paalalang huwag gumawa ng masama na ika­babagsak ng PNP.

Pero ang mga paalala nina Albayalde at Eleazar ay balewala sa mga pulis na karamihan ay Police Officer 1 (PO1). Sayang lamang ang sermon ng dalawa sapagkat nagdaan lamang sa kaliwang taynga ng mga PO1 at lumabas sa kanan.

Noong Biyernes, isang pulis na naman ang nagbigay ng dungis sa PNP. Ang pulis na naka-assigned sa Traffic Division ng Makati police ay inaresto dahil sa kidnapping. Apat na iba pa ang naaresto. Nakilala ang pulis na si PO2 Jaycee Abana. Sangkot siya sa pangingidnap sa isang Chinese businessman.

Sunud-sunod ang mga kasong kinasasangkutan ng mga pulis. Hindi pa natatagalan, nang mabulgar ang nangyaring pagpapahubad at pagpapatuwad ng apat na pulis-Makati sa mga inaresto nilang drug suspect na ang isa ay babae. Ang pangyayari ay nakunan ng video at napanood mismo nina Albayalde at Eleazar. Sinibak na sa puwesto ang apat na pulis na nakilalang sina Sr. Inspector Valmark Funelas, PO1 Stephanie Limhap, PO1 Heizelle Maramag at PO1 Francis Intia.

Nagtatawanan pa ang mga pulis habang iniinspeksyun ang katawan ng babaing drug suspect sa loob ng DEU noong Marso 2017 pero ngayon lamang na-upload sa internet. Depensa naman ng mga sinibak na pulis, ang babae raw na hubad na iniinspeksiyon ay kanilang asset na nagde-demo lamang kung paano hahanapin ang droga sa private parts.

Mababaw ang katwiran ng mga pulis. Hindi katanggap-tanggap. Maaaring matagal nang nangyayari ang ganito kaya dapat pang mag-imbestiga sina Albayalde at Eleazar.

Nararapat alisin sa PNP ang mga salot na miyembro para maibalik ang tiwala ng taumbayan. Maging maingat na ang PNP sa pagkuha ng police recruit. Idaan sa butas ng karayom para masigurong hindi “bugok”.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with