^

Punto Mo

Aksiyon ni Albayalde vs CIDU-QCPD, hinihintay!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NAGHIHINTAY ang sambayanan sa aksiyon ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa kaso ni Erbone Nabaja, marketing manager ng real estate company, na ginawang gatasan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) kamakailan. Sa pagkaalam ng madlang people, mabilis umaksiyon si Albayalde laban sa katiwalian sa PNP at ang patuloy na katahimikan niya sa kaso ay nag-iiwan ng pag-aalinlangan. Alam ng madla, kapag nahuli ang pulis sa extortion, recycling ng droga at iba pang kaso, mabilis pa sa alas kuwatro kung kumilos si Albayalde. Hindi lang tapon sa Mindanao ang parusa kundi dismissal. Subalit hindi maiangat ni Albayalde ang kamay na bakal laban kina Chief Insp. Rodelio Marcelo, hepe ng CIDU sa QCPD at Insp. Juan Mortel, hepe ng warrant section ng QCPD. Pinipili ni Albayalde ang tatamaan ng sinturon niya? Boom Panes! Hak hak hak! Kayo na mga kosa ang maghusga kina Marcelo at Mortel na pakuya-kuyakoy sa kanilang air-conditioned na opisina at naghihintay nang mabibiktima! Tumpak!

Masasabi ko mga kosa na kaya hindi maihampas ni Albayalde ang kanyang kamay na bakal kina Marcelo at Mortel kasi wala namang formal complaint si Nabaja. Paano magrereklamo ‘yung tao e nanginginig sa takot dahil siyam na araw siya sa kulungan. Hindi akalain ni Nabaja na darating sa ganoong sitwasyon ang kanyang buhay dahil sa simpleng kaso ng banggaan sa Vigan, Ilocos Sur. Imbes na makipag-ayos siya sa tricycle driver na binangga, minabuti na lang niya na sa korte sila mag-ayusan subalit nawaglit ito sa kanyang isipan kaya inisyuhan ng arrest warrant ng korte na ginamit ng taga-CIDU-QCPD para siya gatasan. Hindi matiyak ni Nabaja kung magkano ang ginastos niya sa tauhan ni Marcelo at Mortel mula nang maipasok siya sa kulungan mula Hunyo 12 hanggang makalabas noong Hunyo 21. Nagpapasalamat si Nabaja kina Judge Benhuper Bermudez, ng Vigan RTC, prosecutor Nazariel Viado, at clerk of court na si Amy dahil sa agarang pagkilos para malampasan niya ang kahayupan ng taga-CIDU. Kung talagang gustong igalaw ni Albayalde ang kanyang kamay na bakal laban kina Marcelo at Mortel, ipag-utos niya sa imbestigador ng CIDG na makipag-coordinate sa Palawan sa Fersal Inn sa Kalayaan Ave., malapit sa City Hall at makikita doon ang pag-withdraw ni Nabaja ng pera kasama ang isang pulis na taga-CIDU. Puwede ding rebisahin ng imbestigator ng CIDG ang records ng CIDU kung nakulong nga roon si Nabaja bilang patunay na ginatasan siya, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kahit walang complainant, may circumstancial evidence laban kina Marcelo at Mortel kaya dapat lang na maparusahan sila, kasama ang mga tauhan nilang gutom sa pitsa kahit doble na ang sahod nila, di ba mga kosa?

Matapos ma-release sa custody ng CIDU, kaagad na lumipat ng bahay si Nabaja, kasama ang kanyang kaibigan. Alam nilang hahabulin sila ng taga-CIDU para gumawa ng paraan na matabunan ang kapalpakan nila. Get’s n’yo mga kosa? Sa ngayon, puro tension at agam-agam si Nabaja kasi hindi pa siya makapag-move on sa dinanas sa taga-CIDU. Hehehe! Sa totoo lang, sa kaliwa’t kanang accomplishment ng mga tauhan ni Albayalde sa war on drugs at kriminaldad, sana tumaas na ang imahe ng PNP. Subalit dahil sa kademonyuhan ng taga-CIDU kay Nabaja, aba lalong nag-dive ang imahe ng PNP. ‘Ika nga, kahit anong maganda pang accomplishment ng taga-CIDU, magkaroon ito ng black mark dahil sa pamimitsa sa mga preso nila, di ba mga kosa? Para manumbalik ang tiwala ni Nabaja, ng kaibigan niya at mga kamag-anak nila sa PNP, ihampas ni Albayalde ang kanyang kamay na bakal. Abangan!

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with