^

Punto Mo

MMDA adicto a las drogas, minalas!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

HINDI pa pinapangalanan ni MMDA Gen. Manager Jojo Garcia ang mga hinayupak na traffic enforcers nila na nagpositibo sa bawal na droga kaya nagkakamot na ng ulo ang drivers at sidewalk vendors na madalas nilang  makotongan. Anim sa 12 natimbog sa sorpresang drug testing na isinagawa ng MMDA ang sinibak na, at ang anim ay nanunungkulan pa rin. Aba Sir Danny Lim, baka makapamerwisyo pa ang mga loko kapag umalagwa pa ang isip ng mga adik at mag-aning ang enforcers mo, kaya sibakin mo na bago pa masampal ni Mayor Digong ang mga animal na yan.  Enseguida! panga­lanan mo na Señor Garcia.

• • • • • •

Sinong nagtutulak sa hanay nila?

Ngayong nasalto na ang gumagamit ng bato sa hanay ng MMDA enforcers, hindi mala-yong may nagtutulak sa kanila ng shabu, kakutsaba ng caller-starters ng mga illegal terminals, damay na rin ang mga jeepney at bus drivers na posibleng ang mga konduktor ng mga bus ang pinapasahan na akala natin ay kendi at sigarilyo ang iniaabot. Siguradong may singhutan ang mga abuserong MMDA enforcers sa hindi kalayuan sa terminals nila. Baka naman ka-jamming pa sila ng mga demonyong drivers?

Malamang na marami rin sa mga illegal vendors na parang kabute na nagsusulputang muli matapos ang mga anti-illegal terminal and illegal structures operations ang may patong na MMDA enforcers kaya nakakabili ng shabu ang mga torpe. Puwede  rin namang shabu ang bayad-kotong para sa balik puwesto protections ng mga zombies na vendors at illegal terminal operators ng mga kolorum na mga sasakyan sa mga ito. May kotong na, may tsongki pa? Tirik ang kalimutaw ng mga estupido!

• • • • • •

Kapkapan ang mga punyeta!

Malamang, ayon kay GM Jojo Garcia na nagbabaon ang enforcers na dek-a  ng malinis na ihi sa isang bote mula sa bahay nila, para kapag nagkaroon ng random drug testing ay ito ang ibinibigay nila sa laboratoryo, kaya, presto! Negative nga naman sa droga ang mga loko. Wais daw sila oh!

Hindi makakalusot sa team ni Gen. Danny Lim ang ganito. Alam ng mga nakasama na ni Danny Lim sa trabaho kung papaano mapikon ang mama kapag inaabuso. Chewing gum lang ang katapat nila! Ayos ba Sir Danny?

vuukle comment

JOJO GARCIA

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with