^

Punto Mo

Walang sinasanto ang Bitag-Kilos Pronto!

BITAG - Ben Tulfo - Philstar.com

SA loob ng isang dekadang paglilingkod at serbisyo publiko, iisa lang ang layunin ng BITAG pati na rin ng Kilos Pronto. ‘Yun ay ang matulungan ang mga nangangailangan at maituwid ang mga baluktot na pangangatwiran.

Hindi namin kukunsintihin ang mali at ipaglalaban namin kung ano ang tama. Wala kaming sasantuhin kahit malalaking perso-nalidad at kumpanya pa ang aming makabangga at makalaban.

Tulad na lamang ng sumbong na ipinarating sa aming tanggapan kamakailan lang. Ang inirereklamong kumpanya, di basta-basta. Sikat at kilala sa industriyang kinabibilangan nila.

Kuwento ng nagrereklamo naengganyo siyang kumuha ng bahay at lupa sa Filinvest dahil sa kalidad ng gawa nito. Wala naman daw sanang problema. ‘Yun nga lang matapos niyang mabayaran ang lupa’t bahay inabot na ng pitong buwan pero ang titulo ay ‘di pa rin nila nahahawakan.

Kilos Pronto naming inasikaso ang reklamo at agad kaming nakipag-ugnayan sa Filinvest Land Inc. at ipinakita ang mga papeles at resibo na pinanghahawakan ni Amado Canasa.

Agad namang umamin sa pagkakamali ang inirereklamong kompanya. Humingi sila ng paumanhin sa kanilang kliyente at agad nilang inaksyunan ang problema. Makalipas lang ang tatlong araw ay agad ding naibigay kay Amado ang inaasam-asam niyang titulo.

Kung minsan talaga ay may mga palpakis na tao na kulang lang sa konting yanig. Nang dahil sa katamaran, maraming hindi natatapos sa tamang oras. Sa ngalan ng public service kami ay kakatok sa pinto ninyo, nang sa gayon ay ayusin n’yo ang inyong mga trabaho.

Reputable at malaking kompanya ang Filinvest at nirerespeto namin kayo. Ang sa amin lang kung kayo ay mangangako, tuparin n’yo sa napagkasunduang araw para hindi na umabot sa ganito.

Paalala lang mga bossing, di kami tutol o humahadlang sa mga negosyo. Maliit man o malalaking kompanya. Ang gusto lang namin, maging patas ang laban. Walang naaagrabyado at walang natatapakang tao.

Ibang usapan na kung may kasama nang panggagantso. Ito ang tandaan niyo, hangga’t may nangangailangan ng tulong at nagpapasaklolo hindi kami magsasawang maghatid ng libreng serbisyo publiko.

vuukle comment

BITAG-KILOS PRONTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with