^

Punto Mo

Babae, nagsagwan ng 160 km habang nakatayo mula Cuba papuntang Florida

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Amerikana ang nagawang kumpletuhin ang higit 100 milyang (160 kilometrong) paglalakbay mula Cuba patungong Florida sa pamamagitan ng pagsasagwan habang nakatayo sa isang paddle board.

Narating ni Victoria Burgess ang Key West, Florida nitong nakaraang Miyerkules matapos niyang tawirin sa loob lamang ng 28 oras ang Florida Straits sa pamamagitan ng pagsasagwan.

Pinaniniwalaang si Burgess pa lamang ang natatanging babae na nagawang tawirin ang Florida Straits sa pamamagitan ng pagsasagwan ng nakatayo habang lulan ng paddle board.

Ayon sa 34-anyos na si Burgess, ginawa raw niya ang makasaysayan niyang pagsasagwan upang magsilbing inspirasyon siya sa iba.

Umaasa siyang tatanghalin ng Guinness World Records ang kanyang nagawa bilang isang bagong world record.

Nagtrabaho si Burgess bilang bumbero at paramedic bago siya naging fire inspector na hanapbuhay niya ngayon.

 

vuukle comment

CUBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with