^

Punto Mo

Payo ni Bitag sa mga working millennial

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nito lamang January 2018, mahigit sa kalahating porsiyento ng mga manggagawa sa bansa ay mga millennial o young adults na may edad 18-34.

Sinasabi rin sa isang pag-aaral na 26% ng mga kabataang Pinoy ay nais gumawa ng mga bagay para sa ikauunlad ng komunidad habang 69% naman ang gustong magtagumpay sa kanilang mga napiling gawain.

Sumatotal, malaking hamon sa mga kabataan o ‘yung mga tinatawag nating mga millennial, on how to be successful sa kanilang mga napiling landas, mapa-career man, trabaho, personal atbp.

Para sa mga millennial, basahin ninyong maigi ang kolum na ito. Bilang isang pinuno ng isang kompanya at ama na rin, maaaring makatulong sa inyong pananaw ang payo kong ito.

Mahalagang alam n’yo ang inyong identity, self-worth at sense of purpose. Importante ito lalo na sa mga tinatawag na young professionals.

Identity – tanungin mo ang sarili mo, anong papel mo sa isang kumpanya o organisasyon? Nabibigyan ba ng pansin ang mga effort mo o were you being acknowledged man lang? Ikaw ba ay may pakinabang, may kontribusyon o pabigat lamang sa isang komunidad?

Self-worth – Dapat alam mo ‘yung tinatawag na price in your head. Ang mga pamantayan - How much have you learned? Are you better off now, than you were before? Maaari kasing you are so good in what you do pero hindi mo alam it’s because you’re too desperate to be successful kahit hindi ka na inspirado at masaya.

Then ask again, will you be better if you move on and leave? Or is it worth staying? You continue to learn more in your acquisition of knowledge and skills.

Sense of purpose – Ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay? Do you want to make a difference and change the world or change something in you for a better living? Suportado ka ba ng pamilya at komunidad na kinabibilangan mo? Meron bang magandang dulot o kontribusyon ang iyong pinaggagagawa sa ngayon? You have to be more critical and discerning in the society that you live in.

Tatlong bagay lang ang kailangan niyong sagutin bilang isang working millennial. What’s your identity? What’s your self-worth? What’s your sense of purpose?

Sa oras na masagot mo sa sarili mo ang mga tanong na ‘yan, siguradong may point of direction ka na, lamang na maging matagumpay ka sa iyong buhay.

vuukle comment

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with