^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga ‘batang hamog’ ang hulihin!

Pang-masa
EDITORYAL - Mga �batang hamog� ang hulihin!

MISTULANG pinakawalang aso ang mga pulis nang pag-aarestuhin ang mga tambay, makaraang ipag-utos ni President Duterte noong nakaraang linggo. Ang matindi, kahit nakatayo lang sa harap ng bahay o bumibili sa tindahan ay inaaresto rin. Maski nga ang ilang call center agents na umuwi sa dis-oras ng gabi ay inaresto rin ng mga pulis. Dinala sa presinto at doon inimbestigahan. Mayroon ding magpapa-load lamang sa tindahan ay tiyempo namang nadaanan ng mga nagpapatrul­yang pulis at isinama rin sa presinto.

Pero hindi raw ganito ang utos ng Presidente. Wala raw siyang sinabing arestuhin ang mga tambay. Pagsabihan daw ang mga ito at pauwiin. Kapag hindi raw umuwi ay talian ang kamay at dalhin sa Ilog Pasig.

Nilinaw na rin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mali ang ginawang pag-aresto sa mga “tambay”. Ang dapat hulihin ay mga nag-iinuman sa kalye sa dis-oras ng gabi at nakakabulahaw, naninigarilyo at umiihi sa publiko at yung mga sumisigaw at nagwawala sa kalaliman ng gabi. Hindi raw puwedeng basta imbitahan o dalhin sa presinto ang mga nahuhuling “tambay”. Kaya ang order ng NCRPO Director, kailangang may kasamang senior officer ang mga pulis na magpapatrulya sa gabi.

Mabuti at naikorek ang ginagawang pag-aresto. Bagama’t may nasampolan na ng kawalang-kaalaman ng ilang pulis ukol sa batas, siguro naman ay hindi na iyon mauulit. Dapat lang sapagkat mababatikos na naman ang pamahalaan na lumalabag sa karapatang pantao.

Ang dapat hulihin ng mga pulis ay ang mga batang hamog na sumasampa sa mga bumibiyaheng truck kung gabi at ninanakawan ang mga ito. May mga truck na kinukuyog ng mga batang hamog at walang magawa ang driver. Sa halip na mga “tambay”, ito munang mga palaboy na bata ang dakmain pero dapat may kasama rin silang mga tao mula sa DSWD at baka sila batikusin. Ilagay sa ayos ang lahat nang aksiyon para walang masabi at pagmulan ng mga alingasngas.

vuukle comment

TAMBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with