^

Punto Mo

Trumpo, umikot ng higit 27 oras

MGA SWERTENG DULOT NG NUMERO - ABH - Pang-masa

IPINAGMAMALAKING inanunsiyo ng isang kompanya ng laruan na nagawa nilang paikutin ang likhang trumpo nang tuloy-tuloy ng higit sa 27 oras.

Ayun sa kompanyang Breaking Toys and Fearless Toys ay nagawang umikot ng tuloy-tuloy ng kanilang bagong likhang mechanical top sa loob ng 27 oras, 9 minuto, at 24 segundo.

Nasungkit daw ng kanilang laruan ang world record para sa pinakamatagal na pag-ikot ng isang trumpo matapos nitong mahigitan ang dating record ng higit dalawang oras.

Inanunsiyo ng kompanya ang pagtatala ng world record ng kanilang trumpo upang maengganyo ang publiko na mamuhunan sa maramihang pagpapagawa nito upang maibenta ito sa merkado.

Bukod kasi sa makabagong teknolohiya na nasa loob nito ay sulit din daw ang kanilang trumpo dahil nakaka-relax daw ang panonood ng walang tigil na pag-ikot nito, ayon sa chief executive officer ng kompanya na si Yosi Ganot.

Nakakakalma rin daw ang panonood ng pag-ikot ng trumpo, na inihalintulad pa ni Ganot sa pagyo-yoga.

vuukle comment

TRUMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with