^

Punto Mo

Kailan ang paglabas ng baby mula kay mommy?

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

MAAARING nagtataka kayo kung bakit minsan ang baby ay kamukha ni Mommy o minsan naman ay si Daddy. Madalas, kapag lumabas na ang baby, minamasdan natin kung kanino kamukha.

Malaki ang papel ng genetics o lahi sa magiging hitsura ng baby. Dahil ito sa tinatawag na DNA na naglalaman ng “genetic material” ng isang tao. Sa panahon ng pagbubuntis, naghahalo ang DNA ni Daddy at ang DNA ni Mommy. Depende sa resulta ng paghahalong ‘yun ang lumalabas na hitsura ng baby. Minsan, mas kamukha niya ni Daddy, minsan naman ay si Mommy. O minsan, ang nakakahawig ng baby ay ang kanyang Lolo o Lola.

Kailan ang pre-natal checkup ni Mommy?

Kapag nalaman ni Mommy na buntis na siya, dapat simulan na ang pre-natal checkup sa isang doktor o midwife. Iyon ay para matiyak na magiging malusog ang buong panahon ng kanyang pagbubuntis. Kung may makikitang iba pang sakit si Mommy, maaalagaan siyang maigi. Gaano kadalas ang pre-natal checkup? Minsan sa isang buwan sa mga unang buwan ng pagbubutis. Pero kapag 34 weeks na ng pagbubuntis, ginagawa na ito tuwing ikalawang linggo. At lingguhan na kapag nasa 38 weeks na. 

Paano matatantiya ang takdang paglabas ng baby?

May tinatawag tayong Naegele’s rule. Dito ay inaalam natin ang unang araw ng huling menstrual period (first day of the last menstrual period) ni Mommy. Pagkatapos ay magdadagdag tayo ng isang taon sa binanggit na date ni Mommy; susundan ito nang pagbabawas ng 3 buwan; at pagkatapos ay magdadagdag tayo ng 7 araw.

Halimbawa, ang sinabing unang araw ng last menstrual period ni Mommy ay December 15, 2017. Magdadagdag tayo ng isang taon sa binanggit na date kaya ito’y magiging December 15, 2018. Kapag binawasan natin ito ng 3 buwan, ito ay magiging Setyembre 15, 2018. Pagkatapos ay dadagdagan natin ito ng 7 araw  kung kaya’t ito’y magiging Setyembre 22, 2018. Ito ngayon ang expected date of delivery o due date ni Mommy.          

Heto ulit ang computation ng Expected Date of Delivery:

Hal.  Unang araw ng last menstrual period ni Mommy = Dec. 15, 2017

+ one year = Dec. 15, 2018       

-3 months = Sept. 15, 2018

+ 7 days = Sept. 22, 2018 (lalabas na ang baby kay Mommy!)

vuukle comment

BABY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with