^

Punto Mo

Doktor sa China na 5 buwang buntis, nakapag-opera ng 4 na sunud-sunod na pasyente bago hinimatay sa pagod

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PAGHANGA at papuri ang inani ng isang buntis na surgeon sa China matapos niyang makumpleto ang apat na sunud-sunod na operasyon bago siya tuluyang himatayin sa matinding pagod.

Binansagang “model doctor” ang 42-anyos at limang buwang buntis na si Yi Xianyou matapos kumalat ang isang video na nagpapakita ng kanyang pagkatumba sa sahig ng ospital mula sa pagkapagod.

Apat na sunud-sunod na surgery kasi ang ginawa ni Yi, na kanyang sinimulan mula ika-siyam ng umaga at natapos lamang ng alas kuwarto ng hapon.

Sa buong oras na iyon ay walang naging pahinga si Yi kaya naman hindi na siya makatayo matapos ang mga surgery na kanyang isinagawa.

Nakulangan daw ng oxygen ang doktor at bumaba ang blood sugar kaya kinailangan siyang tulungan ng kanyang mga nurse para makaupo at makasagap ng oxygen mula sa tangke.

Magaling raw na surgeon si Yi at hindi na raw bago ang pagsasagawa nito ng 3 hanggang 5 surgery sa isang araw, ayon sa head nurse na si Lin Wei.

Hindi naman alintana ni Yi ang mga papuring kanyang tinatanggap at nagsabing ginagawa lang niya ang kanyang tungkulin sa kanyang mga pasyente.

 

vuukle comment

DOKTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with