^

Punto Mo

Agaw-bahay, sumablay!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

SINOPLA ng mga naninirahan sa isang PNP-AFP Housing project sa Bgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal ang tangkang agaw-bahay ng mga miyembro ng Kadamay kahit binabayaran na ng mga nagmamay-ari ang mga bahay na gusto nilang agawin na ang karamihan sa mga awardee ay nakadestino sa malalayong lugar sa Mindanao. May mga beterano pa ng Zamboanga at Marawi seige at ang iba ay patuloy pang nakikipaglaban sa mga kaaway ng pamahalaan. Hindi umubra ang gimik ng mga agaw bahay na nauna nang pinahintulutang makapang-agaw sa pabahay na inilaan sa AFP sa Pandi, Bulacan.

May isang nagngangalang Simon Trinidad, ang  hinayupak na namuno para mang-agaw ng bahay, kasama ang mga taga-Bgy. Commonwealth at Payatas, Quezon City na sakop ni QC  District 2 Rep. Winston Castelo. Paki check nga po sa listahan nang natutulungan ninyo ang mga ito Cong. Winnie at Konsehala Precious Hipolito Castelo, baka isipin nang marami na sablay ang mga programa ninyong pagtulong sa mga walang bahay sa nasasakupan ninyo.

• • • • • •

Negosyanteng iskwater sa QC, terible!

Marami nang palupa at pabahay ang naipamahagi ng pamahalaan ng Quezon City magmula pa sa panunungkulan ni Mayor Sonny Belmonte sa pagitan ng  2001-2010 at ipinagpatuloy naman ni Herbert Bautista at magpahanggang sa ngayon ay namamahagi pa sa mga kuwalipikadong mahihirap na illegal settlers.

Marami diumanong naging awardee sa palupa at pabahay sa QC ang nagbenta at nagpapaupa na nang kanilang nakuhang pabahay ang umaabuso at gusto pa na muling magkabahay ng libre sa ibang lugar mula sa gobyerno dahil sa pangako ni President Digong Duterte. May mga illegal settlers din na nagmula sa Visayas at Mindanao ang may iniwanang lupa at bahay sa kanilang lugar para makipagsapalarang mag-iskwat at magkabahay mula sa  proyektong relokasyon. May mga dumayo sa Metro Manila dahil sa impluwensiya ng mga kamag-anak na sinuwerteng magkabahay sa QC. Class nga naman at mura o libre pa! O di ba?

• • • • • •

Libre rin ang magpatuli, kasal at binyag sa QC

Walang maraming problema kapag taga-QC ka! Magkakabahay ka sigurado at kung mag-aasawa ay may libreng kasal at instant ninong at ninang pa. May  libreng tuli para sa mga supot na bata at matanda pang laan sina konsehal at konsehala. May libreng gamutan sa kalsada kahit may health centers na at may bigay ambulansiya kahit abot kamay lang ang mga ospital sa kanilang barangay. Nakaka-spoiled naman talaga!

Mas okey ang  rehabilitations program si QC Vice Mayor Joy Belmonte at ihinahanap pa ng trabaho ang mga gumaling na sa pagiging adik sa shabu, kaya maayos na sana maging taga-QC kung hindi lang sinasalbahe pa ng iba na dumarayo sa paghahatid ng lagim ng droga, kaya may natotokhang pa rin.  Shalom!

vuukle comment

KADAMAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with