^

Punto Mo

Esep, esep sa WPS

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HINDI dapat magpadalos-dalos ang madlang Pinoy tungkol sa kanilang nabalitaan na problema ng mga fishermen dahil kinuha nang mga Chinese Coast Guard ang huling isda nila na dapat pang ulam o pang benta nila ito sa kanilang lugar.

Nangyari ang kotongan ng Chinese Coast Guard dyan sa may West Philippines my Philippines sea kaya naman humirit sina SC Justices Antonio Carpio at si Magdalo partylist Rep. Gary Alejano na magsaing este mali maghain pala ulit ng kasong ‘arbitration’ sa International Court para umalingawngaw ang ginawa ng mga tsekwa sa madlang mangingisda.

Pumalag ang ilang sektor sa gustong mangyari nina Carpio at Alejano dapat daw daanin ito sa peace talk para maayos o parusahan ng Chinese government ang mga tumira ng isda ng mga madlang mangingisda.

Hindi biro ang gastos kapag nagsaing este mali naghain pala ng reklamo sa international court dahil noong nakaraan reklamo ng Philippines my Philippines na isinampal este isinampa pala versus China ay sumuka ang gobierno ng US$7 million pambayad sa mga international lawyers na kinuha natin at iba pang gastos.

Noon kasi ay hindi puedeng mangisda ang mga Pinoy fishermen dyan sa WPS pinalalayas sila ng mga Chinese Coast Guard na nagbabantay dito.

Sabi nga, binobomba ng maruming tubig ?

Pero ngayon sa panahon ni Boss Digong ay malaya na silang nakakapanghuli ng mga isda.

Iyong nga lamang naarbor ang mga huli nila kapag gustong kunin ng mga tsekwa ? Hehehe !

Para maging maayos ang usapan idulog natin sa gobierno ng China ang nangyari para sila mismo ang sumakal este mali mag-disiplina sa kanilang mga sailor.

Abangan.

 

• • • • • •

 

Pinay nurses gusto ng taga - Europe

 

BILIB sa atin mga nurses sa Philippines my Philippines ang European country dahil hindi biro ang daming gusto nilang magpunta sa kanilang bansa.

Bakit ?

Sagot - para magtrabaho dito at alagaan ang kanilang mga kababayan na may mga problema sa kalusugan.

Kasi kulang ang kanilang healthcare workers sa ilang lugar sa Europe kaya mga pinay nurses ang gusto nila dahil bukod sa magaling mag-alaga, matiaga, marunong mag-english at madaling turuan magsalita ng European languages ang mga ito.

Sa mga gustong magpunta sa Europe mag-apply sa POEA dahil hindi kayo basta makakapasok dito o makakapag-trabaho ng illegal.

Ika nga, deported kayo !

Huwag na kayong mag-isip pa ng ibang bagay basta ang importante ang sahod napakalaki at hindi biro. Pinakamababa ay P118,266 at aabutin pa ito ng P143,165 kung pumasa sa Germany’s licensure examination.

Bukod dito, kailangan din kayong pumasa sa German language proficiency test before maging registered nurse.

Oh, ano pa ang inaantay ninyo ?

Mag-aaral na at mag-apply !

vuukle comment

CHINESE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with