^

Punto Mo

Attack, Max, attack!

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY isang magnanakaw na ang kinukulimbat ay bahay na nasa exclusive subdivision. Mag-aabang siya ng pamilyang umaalis lahat para magbakasyon. Kapag nakaalis na ay saka niya papasukin ang bahay.

Sa pamamagitan ng kanyang mga gadgets ay mabilis niyang nabubuksan ang mga pintuan nang hindi na kailangan pang manira ng door knob. Matapos subaybayan ang isang pamilya na umalis at halatang magbabakasyon, ang magnanakaw ay agad bumalik sa bahay kinagabihan. Pagpasok niya ay may boses siyang narinig:

Nakikita ka ni Jesus at nakikita rin kita!

Medyo kinabahan ang magnanakaw. Mukhang ang napasukan niyang bahay ay parang sitwasyon sa Home Alone. Baka may batang naiwan sa bahay kagaya ng nangyari kay Kevin (ginampanan ni Macaulay Culkin), patay siya! Pero nagtapang-tapangan siya sabay sabing:

Sino ka? Magpakita ka!

Muling nagsalita: Nakikita ka ni Jesus at nakikita rin kita!

Madilim ang paligid kaya hinanap ng kanyang flashlight ang pinanggagalingan ng boses at anong gulat niya nang mapatapat ang  flashlight sa isang parrot na nasa cage. Pupukpukin sana niya ang parrot ngunit bago niya iyon magawa ay nakasigaw ito nang paulit-ulit na:

Attack, Max, attack!

Ito ang automatic na sinasabi ng parrot pagkatapos niyang sabihin ang Nakikita ka ni Jesus at nakikita rin kita.  Kaso narinig ng Doberman Pinscher ang kanyang pangalan. Lumitaw mula sa kung saang lupalop ng bahay, agad inatake ng mabagsik na aso ang magnanakaw. Nagkataong may nagrorondang guwardiya ng subdivision kaya’t narinig nito ang kaguluhan sa loob ng bahay na alam niyang walang tao. Buti na lang at dumating ang guwardiya kaya’t kalmot lang ang tinamo ng magnanakaw mula sa Doberman.

Totoong kahit sa kadiliman ay hindi tayo makakapagtago sa ating Panginoong Diyos. Para bang ang buong mundo ay kinabitan niya ng CCTV upang masubaybayan ang lahat ng 24/7. 

Where can I go from your spirit? Where can I flee from your presence? If I go up to the heavens, you are there; if I make my bed in the depths, you are there (Ps. 139:7-8)

vuukle comment

ATTACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with