^

Punto Mo

Dating loser na naging Winner

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1831—Nalugi sa negosyo

1832—Natalo sa legislature

1835—Namatayan ng fiancee

1836—Sa sobrang kalungkutan, nagkaroon siya ng nervous breakdown.

1836—Natalo sa eleksiyon

1843—Natalo sa US Congress

1846—Natalo ulit sa Congress

1848—Walang kadala-dala, tumakbo ulit sa Congress at natalo na naman!

1855—Natalo sa US Senate

1856—This time, US Vice President ang tinakbuhan, pero natalo na naman.

1858—Natalo sa US Senate

Summary ng buhay ni Abraham Lincon ang inyong nabasa. Wala siyang kapaguran na sumubok nang sumubok.  Salamat  na lang at wala sa bokabularyo niya ang salitang “suko” or “quit” dahil kung pinanghinaan siya ng loob pagkaraan ng  labing-isang beses na kabiguan, aba…hindi niya makakamit ang tagumpay.

1860—Sa wakas si Abraham Lincoln ay inihalal na Presidente ng mga mamamayan ng United States of America.

Siya ang nagpatunay na ang mga nagtatagumpay ay ‘yung hindi marunong sumuko. Tama lang ang kasabihang: Try and try until you die. Kamatayan lang ang magpapahinto sa iyo upang itigil ang pagsusumikap. Ito ang kuwentong inihalimbawa ko sa aking kaibigan na natalo sa katatapos pa lang na barangay election. First time niyang pumasok sa pulitika. Ang nakakapagpasakit ng labis sa kanyang kalooban ay isang boto lang ang lamang ng kanyang kalaban. Gusto sana niyang ipa-recount ang boto ng buong barangay pero malaking pera ang kakailanganin niya para maisakatuparan ito. Kaya wait na lang siya ng next barangay election. Baka ‘yung isang hindi bumoto sa kanya ay makuha na niya.

vuukle comment

WINNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with