^

Punto Mo

Lalaki sa New Zealand na akusado ng indecent assault, kinailangang sukatin ang ari

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KINAILANGANG sukatin ang ari ng isang lalaking akusado ng indecent assault sa isang korte sa New Zealand.

Sinukat ang ari ni David Scott, isang halal na konsehal sa Kapiti, New Zealand matapos niyang itanggi ang pagkiskis niya diumano ng kanyang ari sa isang babaeng staff ng isa sa mga kapwa niya konsehal.

Ayon sa babae, nasa apat hanggang limang pulgada raw ang bagay na kumiskis sa kanyang likod kaya naman pumayag ang hukom na sukatin ang ari ng 72-anyos na konsehal.

Hindi na isinapubliko ang naging resulta ng ginawang pagsukat.

Depensa naman ni Scott, wallet lamang niya na nasa kanyang bulsa ang aksidenteng kumiskis sa babae nang mapadaan siya sa likod nito.

Pinabulaanan naman ito ng babaing nag-aakusa kay Scott dahil sigurado raw siyang ari ng lalaki at hindi wallet o kung ano pa mang bagay ang kumiskis sa kanyang likod.

vuukle comment

ASSAULT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with