^

Punto Mo

Kalat ng halalan, aabutan ng pasukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mahigit isang linggo na matapos ang nagdaang Brgy. at SK elections kapansin-pansin na marami pa ring mga campaign materials ng mga kandidato ang hindi naaalis sa kasalukuyan.

Mukhang walang kusa ang marami sa mga nangampanyang kandidato na magbaklas ng kanilang mga ipinagkakabit sa kung saan-saan lalo na nga sa mga paligid ng paaralan.

Ngayon papalapit na rin ang pasukan ng mga mag-aaral pinangangambahang datnan pa ang mga streamer, banner at campaign materials ng mga kumandidato sa nagdaang halalan.

Kaya nga tinawagan na ng pansin ng DILG ang mga tumakbong kandidato, natalo man o nanalo na linisin o alisin na sa linggo ang kalat nila noong nagdaang halalan.

Aba’y dapat lang, obligasyon nila na linisin ang kanilang ikinalat sa paligid, wag naman sana itong ipagwalang bahala, ‘wag naman sanang magmakapal ng mukha.

Talagang may ilang hindi tumatalima rito, ito ay sa kabila ng trak-trak ng basurang dulot ng eleksyon ang nahakot na ng mga tauhan ng MMDA. kabilang nga ang posters, tarpaulin at plastic matapos ang halalan.

Lalo na nga ang mga paaralan na ginamit na polling precincts noong halalan na namulaklak sa mga election paraphernalia ang tila hindi pa nalilinisan.

Dadatnan pa talaga ito ng mga mag-aaral, kaya mahiya naman kayo linisin naman ninyo ang kalat nyo!

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with