^

Punto Mo

Matandang Tinali (108)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NASAAN ang parents mo at mga kapatid Joy?” tanong ni Dong. 

“Patay nang parents ko at ang isa kong kapatid ay nasa Canada. Dun na sila naninirahan kaya nag-iisa na ako rito.’’

“Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, nag-iisa na rin ako rito sa Pinas dahil ang nag-iisa kong kapatid ay nasa Australia naman. Patay na rin ang parents ko.’’

“Nakakahalata na yata ako, Dong.’’

“Na ano Joy?’’

“Parang ginagaya mo lang yata ako. Nang sabihin kong ang farm na ito ay inialok ng kaibigan ko, ganundin ang sinabi mo. At ngayon, pareho rin tayong ulila at may isang kapatid. Ano pa ang gagayahin mo sa akin?’’

Humahalakhak si Dong.

“Nagkataon lang yun, Joy.’’

“Hindi kaya sabihin mo na ikaw ay taga-Sampaloc at mayroong building doon?’’

Napamulagat si Dong.

“Totoo ang sinasabi mo Joy. Taga-Sampaloc, Maynila nga ako at mayroon akong dalawang building na pinare­rentahan.’’

“Talaga? Saan sa Sampaloc?’’

“‘Yung dormitory ko e sa P. Noval at yung isa ay sa Bustillos.’’

“Ah malayo ang mga pro­perty ko. Sa QC naman ako may dalawang building at may isang unit ng condo.’’

“May condo unit din ako, Joy.’’

Nagtawanan sila.

Maya-maya nagpaalam  na si Dong.

“Puwedeng bumalik ako. Masarap kang kakuwentuhan, Joy.”

“Sure Dong.’’

Umalis na si Dong. Naghihintay si Manong Naldo sa bakuran. Habang pauwi sila ay nagkukuwentuhan.

“Mukhang napasarap ang kuwentuhan n’yo Dong?’’

“Opo Manong. Masarap kausap si Joy.”

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with