^

Punto Mo

Walang lusot!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isang linggo matapos ang isinagawang Brgy. at SK elections at halos naproklama na ang lahat ng mga nagwa­ging kandidato kung saan nasa  60 pa rin daw na mga opisyal ng barangay na kabilang sa narcolist ang naluklok sa pwesto.

Ito ay sa kabila nga na ilang araw bago ang halalan ay inilantad ng PDEA ang mga pangalan sa drug list..

Ito ay para magabayan ang mga botante na makapili ng kanilang ihahalal sa eleksyon.

Magkagayunman, ayon sa pamunuan ng PDEA nakatulong ng malaki ang paglalantad sa listahan dahil kung hindi eh baka raw mas marami pa ang nakalusot sa eleksyon na nasa listahan.

Eto ngayon, ayon sa mga awtoridad natalo man o nanalo, tuloy ang paghaharap nila ng kaso laban sa mga opisyal ng barangay na sinasabing dawit sa operasyon ng droga.

Hindi lang yan ngayon ang tinitignan, maging ang naganap na vote buying noong halalan sinisilip na ring mabuti ng mga kinauukulan.

Gaya nang pangamba noon ni Pangulong Digong, posible umanong drug money ang nagamit sa bilihan ng boto noong eleksyon.

Hindi nga bat ibinunyag ng DILG na ilang mga mambabatas at local govt officials sa ilang lugar ang sinasabing dawit sa vote buying noong nagdaang halalan.

Bagamat wala pang tinukoy na mga pangalan, hinamon naman sila ng ilang kongesista na pangalan ang mga ito kung talagang may matibay na ebidensya.

Kung sabagay hanggat walang ibinigay na pangalan na direktang sangkot sa naganap na mga vote buying damay nga naman ang iba pa, kaya mas mabuting tukuyin na kung sinu-sino ang mga ito at sampahan na rin ng kaso.

Bagamat malayo pa ang sususnod na local elections, baka magabayan na rin nila ngayon pa lang ang mga botante sa pagpili rin ng kanilag iboboto.

Kung meron narcolist na inilanted, mas mabuting ilantad na rin ang mga dawit naman sa vote buying.

Dapat walang palusutin!

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with