^

Punto Mo

Lalaki panalo ng $1.9-m jackpot sa lotto, salamat sa kanyang 2 birthday

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 79-anyos na lalaki sa Maryland, USA ang panalo ng jackpot sa lotto, salamat sa kanyang mga suwerteng numero na kanyang hinango sa kanyang dalawang birthday.

Panalo ng $1.9 million (katumbas ng P100 milyon) ang hindi na kinilalang lalaki noong nakaraang Mayo 7 at sinasabing pangalawa pa lamang siyang tumatama ng jackpot sa kanilang lugar.

Ipinanganak ang jackpot winner sa Louisiana noong Abril 21, 1939 ngunit dahil isang pagkakamali sa mga papeles ay naitala ang araw ng kanyang kapanganakan bilang April 23 sa mga opisyal na dokumento. Sa katunayan nga ay kamakailan lang daw naitama ang kanyang kaarawan sa mga opisyal na rekord.

Sa kabila nito, ginagamit niya sa sugal ang mga nu-merong hango mula sa kanyang dalawang kaarawan dahil itinuturing niya na masuwerte ang parehong petsa kahit pa ang isa sa mga ito ay bunsod lamang ng pagkakamali.

Nalaman niya na tinamaan niya ang jackpot isang araw matapos ang draw. Ayon sa lalaki, nanlaki raw ang kanyang mga mata nang makita niya  sa lottery section ng diyaryong kanyang binabasa ang mga numero mula sa kanyang dalawang birthday. Kahit daw ang kanyang asawa ay hindi rin makapaniwala sa kanilang biglang pagyaman.

Hindi pa alam ng lalaki ang kanyang gagawin sa kanyang napanalunan. Plano niyang sumangguni muna sa isang financial advisor kung anong magandang gawin sa matitirang pera pagkatapos niyang gastusin ang bahagi ng jackpot para sa kanilang mga bayarin at sa ibibigay nilang donasyon sa kanilang simbahan.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with