^

Punto Mo

Matandang Tinali (105)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

UMAKYAT sa kubo sina Dong at Manong Naldo. Malinis ang kubo. Makintab ang sahig na kawayan. Halatang alaga sa lampaso at floor wax. May kurtina pa ang mga bintana.

“Maupo po kayo,” anya­ya ni Joy.

Naupo sa silyang kawa-yan sina Dong at Manong Naldo.

Si Joy naman ay nakaupo sa silyang malapit sa bintana.

Si Manong Naldo ang nagbukas ng usapan.

“Joy ipinakikilala ko sa’yo si Dong. Siya ang may-ari ng farm diyan sa kabilang sapa. Kubo niya yung nakatirik diyan.’’

“Hi Dong. Kumusta ka?’’

Inilahad ni Dong ang kamay at inabot naman ni Joy.

“Ikinagagalak kong ma­kilala ka Joy. Salamat naman at nagkaroon na rin ako ng kapitbahay.’’

“Ay oo nga. Wala pang ga­anong bahay dito ano. Mabuti nga at mayroon na akong kapitbahay.’’

“Kailan ko lang nalaman na may nakatira na pala sa kubong ito.’’

“Isang buwan na ako rito, Dong.’’

“Hindi ko alam dahil ma-tagal ako sa Maynila. Hindi agad ako nakabalik.’’

Ganun ba? Ako naman  lagi ring wala rito dahil lumuluwas din sa Maynila. Marami akong nilalakad dun. Karara-ting ko lang kahapon.’’

“Ganun ba?’’

May naalala si Joy.

“Teka at ipaghahanda ko kayo ng meryenda. May dala akong ensaymada at juice. Sandali ha?’’

Tumayo si Joy at nagtungo sa kusina.

Nag-usap sina Dong at Manong Naldo.

“Mabait pala si Joy, Ma­nong.’’

“Oo mabait yan.’’

“Parang umiibig na ako Manong.’’

Nang lumapit si Joy dala ang ensaymada at juice.

“Kain muna kayo.’’

Ibinaba nito ang pagkain.

Napagmasdan ni Dong. Maganda talaga.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with