^

Punto Mo

Tinig ng Diyos at hindi pera

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

“RELATIVELY peaceful,” ito ang ulat ng PNP sa nakaraang barangay at SK elections, sa kabila ng naitalang 35 na namatay kaugnay ng nasabing eleksyon.  Kung sabagay, may katwiran naman, dahil noong 2013 eleksyon ng barangay ay 33 ang naiulat na pinaslang. Pero ang mas nakakagulat ay ang report na malawakang bilihan at bentahan ng boto, mula P300 hanggang P5,000 bawat boto.

Ang barangay ang basic political unit sa ating bansa.  Ang chairman ng barangay, kasama ang mga kagawad, ang naghahawak ng pinakamababang posisyong inihahalal sa gobyerno.  Pinakamababa, pero rito nagsisimula ang lahat. Ang mga inihalal na opisyales ng barangay ang talagang tuwirang nakakaharap ng mga mamamayan.

Kung sa barangay pa lamang ay ganito na ang karahasan, bilihan at bentahan ng boto, paano pa kaya sa halalang lokal at nasyonal?  Nakakatakot isipin ang mga posibilidad.  Marami tuloy ang nagpapanukala na buwagin na ang barangay at SK elections dahil nagiging training ground lamang ang mga ito ng katiwalian at karahasan.

May katwiran din ang mga nagpapanukala nito.  Naalala ko noong araw na ang lolo ko ang tiniente del barrio ng aming baryo, pinipili lamang by consensus ang mga ito ng mga taga-baryo at wala silang tinatanggap na anumang suweldo mula sa gobyerno, sila pa nga ang gumagastos. Kaya naman ang mga tiniente del barrio noon ay talaga namang lubos na iginagalang.

Ngayon, talagang naging masyado ng pulitikal ang halalang pang-barangay, bagamat hindi dapat miyembro ng anumang partido pulitikal ang mga tumatakbo sa barangay at SK elections. Ang eleksyong ito ang nagsisilbing preparasyon ng mga nakaupo o nagbabalak tumakbong gobernador, mayor, representative at iba pang local at national positions. Mayroon bang naniniwala na hindi nakikialam ang mga pulitiko sa barangay at SK elections?

Ang nakaraang eleksyon ang nagpapakita sa ating political immaturity. Talagang napakalayo pa natin sa tunay na kahulugan ng demokrasya. Ang halalan dito sa atin ay pera-pera lang, barkadahan o kaya’y takutan. Dahil sa ating kultura ng halalan, maraming hindi karapat-dapat ang nananalo at maraming karapat-dapat ang hindi nananalo. Kaya naman sa anumang halalan dito sa atin, walang natatalo, lahat ng natalo ay dinaya.

Tuwing may halalan, laging ipinapaalala sa mga botante na ang balota ay dapat ituring na sagrado, kung kaya’t ang isinusulat dito’y dapat na repleksyon ng konsensya ng botante. Wika sa Latin, Vox Populi, Vox Dei, ang tinig ng mga tao ay tinig ng Diyos. Tila hindi na yata ngayon. Madalas, ang tinig ng mayorya ngayon ay tinig ng pera dahil maraming tao ang mukhang pera.

Gayunman, hindi tayo puwedeng mawalan ng pag-asa. Pero, huwag tayong aasa sa pag-asa. Dahil kapag umasa tayo sa pag-asa, wala na tayong pag-asa. Umasa tayo sa Diyos ng pag-asa. Na puwedeng makialam ang Diyos sa ating kasaysayan, katulad noong pakikialam Niya sa People’s Power Revolution.

Ikaw ang unang puwedeng pakialaman ng Diyos. Sa iyo maaaaring magsimula ang pagbabago. Simple lang, lagi mong pairalin ang iyong konsensya. Isumpa mo na hindi ka maglalagay at hindi ka rin puwedeng lagyan sa eleksyon man o simpleng transaksyon sa gobyerno. Taasan mo ang iyong presyo para walang sinumang makaabot nito. Huwag mong isiping nag-iisa ka lang. May kapangyarihan ka kapag ang tinig mo’y naging tinig ng Diyos, sa halip na tinig ng pera!

 

vuukle comment

DIYOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with