^

Punto Mo

Ina, ipinabago ang pangalan ng anak upang itugma sa maling spelling na tattoo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG ina sa Sweden ang pinabago ang pangalan ng kanyang 2 taong gulang na anak dahil lang sa maling spelling na itinattoo sa kanya.

Sa halip na tiisin na lang ang mahapding proseso ng pagbubura ng tattoo ay dumulog na lang sa kinauukulan si Johanna Giselhäll Sandström upang ipabago ang pangalang Kevin ng kanyang anak at gawin itong Kelvin.

Kelvin kasi ang naitatak sa kanya ng artist na nag-tattoo sa kanya.

Nang malaman ang kanyang pagkakamali ay nag-alok naman ang tattoo artist na isauli na lang ang ibinayad sa kanya ni Johanna ngunit nagsabi itong hindi na niya mababago ang maling spelling.

Pinag-aralan ni Johanna ang mga maaring solusyon sa kanyang problema at napagpasyahan niyang sa halip na sumailalim sa mahapdi at magastos na proseso ng pagbura sa tattoo katulad ng laser removal ay gagawin na lang niyang Kelvin ang pangalan ng kanyang toddler upang tumugma ito sa tattoo na nasa kanyang braso.

Ngayon ay napamahal na raw sila ng kanyang asawa sa pangalang Kelvin dahil mas natatangi raw ito sa Kevin. Balak na naman niyang magpa-tattoo ng pangalan ng isa sa kanyang mga anak ngunit ngayon ay sisiguraduhin na niya ng ilang libong beses na tama ang magiging spelling nito.

vuukle comment

TATTOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with