^

Punto Mo

Bakit ko iniligwak sa Facebook ang aking kaklase?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

LALAKING kaklase ko siya noong high school. Isa lang ang section namin noong fourth year kaya vibes kaming lahat. Simula nang magkolehiyo, hindi na kami nagkita kahit kailan. Hindi siya nakakarating tuwing reunion dahil sa abroad siya nagtatrabaho.

Noong isang araw nag-friend request siya sa akin. Tinanggap ko naman. Kinumusta ko sa messenger. Sumagot. Nagkumustahan kami. Sa aming pagkukuwentuhan, nabanggit niya ito:

“Kagaya ka pa rin ba noong dati na puwedeng liparin ng hangin?”

Gusto niyang malaman kung patpatin pa rin ako kagaya noong high school. Joke nang kawalang-galang sa babaeng ngayon lang niya nakausap pagkaraan ng ilang dekada. Nadama ko na ang pagba-body shame pero binale-wala ko. Hindi ko sinagot. Model ko si Miss Korina Sanchez na naniniwalang may dignidad sa pananahimik.

Pagkaraan ng ilang oras. Nagpadala na naman ng mensahe sa messenger. ‘Yun apelyido ko naman ang napagdiskitihan. Bored na bored siguro sa barko kaya napag-tripan ako.

“Bakit ang apelyido mo, HALOS? Bakit hindi na lang LAHAT?”

Unti-unti na akong naiinis. Hindi dahil inaasar ang apelyido ko kundi saksakan ng corny at walang sense ang joke. Pambobong joke.

Nagkataon na nagpalit ako ng profile picture na kuha ng aking anak sa restaurant noong nagselebreyt kami ng Mother’s Day. Maraming pumuri. Plastik naman ako kung sasabihin kong hindi ako natutuwa. Maganda na sana ang takbo ng conversation sa “thread” na iyon dahil pulos positive ang mga salitaan. Aba’t sumingit na naman ang kaklase kong ito:

“Artista ba ‘yan? Aba mukhang hindi ko kilala. Parang hindi ko pa napapanood ang pelikula niyan.”

Okey na sana kahit may “sarcasm”. Kaso humirit pa.

“Ilang taon ka sa picture na ‘yan? Parang lumang picture ‘yan.”

Kasi ang comment ng isang friend ay parang bumata ako sa picture. Parang kinokontra niya na lumang picture iyon at hindi iyon ang present kong hitsura.

Sa isip ko lang, “You’re going too far, tarantadong ito!”.

Kaya na lang ako hindi igagalang ng mga friends ko sa Facebook ay may kagaya niyang walang pakundangan kung mambiro. Ora mismo, binura ko ang kanyang comment sabay “blocked” sa kanyang pangalan. Hinding-hindi na siya makakasilip sa aking account kailanman. ‘Tadong ‘yun, 15 minutes din akong na-stress.            

vuukle comment

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with