^

Punto Mo

Mga Barangay Chairman na sangkot sa droga, itokhang! – Albayalde

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

CONGRATULATIONS sa mga kandidato na nanalo sa barangay at Sangguniang Kabataan election noong Lunes. Palakpakan natin sila mga kosa! Kaya lang hindi lahat ng nanalong barangay chairman at kagawad ay dapat magsaya dahil sa banta ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na itokhang ‘yung mga sangkot sa droga. Ayon kay Albayalde, nirerebisa pa nila kung sino sa mga 207 barangay chairman na inakusahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sangkot sa droga ang hindi pa huminto. Sinabi ni Alba­yalde na hindi nangangahulugan na nabura na ang pagkasangkot ng barangay chairman sa droga dahil sa pagkapanalo nila. Kapag patuloy ang pagkasangkot nila sa droga, mapipilitan ang PNP na ipasailalim sa tokhang, kung saan ang mga pulis ay dadalaw sa bahay ni chairman para kumbinsihin siya na tumigil na. At kapag hindi pa sila mag-cooperate, aba mag-iipon ng ebidensiya ang PNP para makasuhan sila sa korte at presto….tigbak na sila sa pagka-chairman tapos kulong pa ang aabutin nila. Boom Panes! Hak hak hak! Istrikto talaga si Albayalde, ano mga kosa? Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Subalit hanggang kahapon, nire-review pa ng PNP kung sinu-sinong barangay chairman na nasa listahan ng PDEA ang nanalo. Siyempre, ang mga nanalo ay ipasailalim sa surveillance operation para matiktikan kung talagang hindi pa sila huminto sa pagkasangkot sa droga. Pag nagkataon, magiging busy na naman ang PNP at tiyak kapag may ebidensiya sila eh mag-file na sila ng kaso para mahinto na ang kahibangan ng mga barangay chairman na sangkot sa droga, di ba mga kosa? At sana, isama na ni Albayalde sa banta niyang tokhang ang mga kagawad ng barangay na sangkot din sa droga. Kasi nga, kung hindi nga sangkot sa droga ang chairman subalit ang mga kagawad naman ay durugista o nagpapalaganap din ng droga eh di wala rin ang paghihirap ng PNP kontra droga, di ba mga kosa? Boom Panes! Kaya suportahan natin mga kosa ang programa ni Albayalde na tokhang kontra sa mga opisyales ng barangay na sangkot sa droga para manahimik na ang ating kapaligiran. Tumpak! Kung sabagay, naging matagumpay ang kampanya ng PNP kontra droga at medyo komonti na ang supply sa kalye kaya ang monitoring ng mga kosa ko ay pabalik-balik ang mga adik sa mga lugar kung saan talamak ang pagbebenta ng shabu. At hindi lang ‘yan! Maging ang drug supply sa bansa ay bumaba na rin dahil sa pagsalakay sa mga shabu laboratory o warehouse ng PNP. Hindi ko na babanggitin ang EJK mga kosa dahil patuloy pa itong naging topic sa social media at hindi pa malinaw kung sino ang nagsasabi ng totoo. Boom Panes! Hak hak hak! Weder-weder lang talaga, di ba mga kosa?

Sa Metro Manila naman, binati rin ni NCRPO chief Dir. Camilo Cascolan ang mga nanalong barangay chairman lalo na’t naging peaceful ang kinalabasan ng election. Hinikayat ni Cascolan ang mga nanalong opisyales ng barangay na makipag-tulungan sa NCRPO tungo sa pagiging peaceful, progressive, drug free at business friendly ng Metro Manila. Get’s nyo mga kosa? Inaarok pa ni Cascolan kung may barangay chairman sa Metro Manila na nasa listahan ng PDEA at kung nanalo ba sila. Siyempre, hindi naman magiging matahimik ang halalan kung me semplang ang mga naka-deploy na pulis. Kaya’t nararapat ding palakpakan sila, di ba mga kosa? Hehehe! Dapat may dagdag allowance sila. Kung sabagay, ilang ulit ko nang sasabihin na kahit maganda ang accomplishments ni Cascolan, nagsayang lang siya ng hirap dahil sa patuloy na pananalasa ng mga bataan ni Baby Marcelo sa pasugalan, putahan, beerhouse at iba pang pagkakitaan sa Metro Manila, di ba mga kosa? Ewan ko ba at matagal magdesisyon si Sir Bong! Get’s n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with