^

Punto Mo

Salamat sa utot

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

WALA nang parking space sa tapat ng restaurant kaya ipinarada niya ang kanyang kotse sa gilid ng kalsada. Bibili siya ng pagkain na hapunan nilang mag-iina. Masyado nang late kung magluluto pa siya. Wala pang 30 minuto ay nakabili na siya ng pagkain. Paglabas niya ay flat ang kanyang gulong. Halatang sinadyang butasin. May napadaan na lalaki at tinanong siya kung ano ang nangyari.

-Binutas ang gulong ko.

-Mam delikado hong mag-park dito. Maraming loko dito. May spare tire ho kayo?

-Oo

-Marunong ho akong magkabit. Tulungan na kita Mam.

-Magkano ang ibabayad ko sa sa iyo?

-Wala ho. Gusto ko lang makatulong.

Mabilis nakalas ang butas na gulong at naikabit ang bagong gulong. Mukhang sanay ang lalaki. Habang nagkakabit ng  gulong, naamoy niya na umutot ang lalaki. Sobrang baho. Parang may kasama nang echas ang utot. Napalayo siya. Pagkatapos maikabit ang gulong ay nagsalita ang lalaki.

-Mam, puwede ho bang makisabay, doon lang ho ako sa kanto bababa. Nabigtal lang itong sandals ko at mahirap nang maglakad.

-No problem. Sakay na.

Kaso pag-upo ng lalaki ay may naramdaman ito. Napahawak sa kanyang tiyan.

-Mam puwedeng mag-CR muna ako sa restaurant? Pahintay. Saglit lang ho ako.

-Sige.

Habang naghihintay, biglang tumawag ang kanyang anak na panganay. Naglalaro si Bunso nang mahulog ito mula sa kama. Nagdugo ang ulo. Sa sobrang pagkabigla, pinaharurot niya ang kanyang sasakyan at nakalimutan na ang lalaking makikisakay sa kanya.

Pagkatapos isugod sa clinic ang anak, saka lang niya napansin ang bag ng lalaking naiwan sa kotse. Binulatlat niya ito. May laman itong duct tape at ice pick. Tiningnan niya ang butas ng gulong: kasing laki ng metal ng ice pick ang butas nito. Malinaw na ang lalaki rin iyon ang bumutas ng gulong niya. Modus ng mga kriminal. Makikisakay at saka mangangarnap o manghoholdap. Muntik na siya! Mabuti na lang at nasira ang tiyan ng lalaki. Nasira ang plano nito dahil sa “sirang tiyan”.

vuukle comment

RESTAURANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with