^

Punto Mo

Matandang Tinali (101)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LUMINGON si Dong para tingnan kung sino ang tumatawag. Nagulat siya!

Si Manong Naldo pala!

Magaling na ang matanda. Nakakalakad na!

Sinalubong niya si Manong Naldo.

“Kumusta Manong Naldo? Ginulat mo ako. Nakakalakad ka na. Mukhang matibay na ah!’’

“Magaling ang ibinigay sa aking gamot ng doktor. Bata pa yung doktor na gumamot sa akin. Nawala na ang sakit ng paa ko at tuhod. Salamat Dong. Kung hindi sa’yo baka nakahiga pa ako.’’

“Wala yun Manong.’’

Napansin ni Manong ang bagong bungkal na lupa.

‘‘Sinong nagbungkal ng lupa Dong?’’

‘‘Ako Manong. Tataniman ko ng pakwan. Papalapit na ang tag-init. Tamang-tama.’’

‘‘Aba mahusay ka nang magbungkal. Kayang-kaya mo na.’’

‘‘Lahat naman maaaring pag-aralan Manong.’’

“Sabagay.’’

“Halika sa kubo at magmeryenda tayo. Marami akong nilutong niyubak dun.’’

Nagtungo sila sa kubo.

Inilabas ni Dong ang niyubak na saging.

Nagtimpla ng kape.

Kumain sila.

Hanggang sa sabihin ni Dong ang tungkol sa babaing nakatira sa kubo.

‘‘Sino ang babaing yun Manong?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with