^

Punto Mo

Matandang Tinali (99)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI maganda ang ginagawa niyang pagmamanman sa kubo ng babae. Maari siyang kasuhan kapag nahuli siya. Maaakusahan siyang may ginagawang masama. Baka sa halip na makilala niya ang babae ay makulong pa siya. Kakahiya! Kung kailan siya naging matandang tinali ay saka siya makukulong gayung ang purpose niya lamang ay para makilala ang babae.

Kaya ipinasya ni Dong na umuwi na at bukas ay gagawin niyang pormal ang pakikipagkilala sa babae. Kailangan ay maging malinis ang pagpapakilala niya. Mukhang edukada ang babae. Pero bakit kaya siya narito sa farm na iilan ang tao? Katulad din kaya niya ang babae na nais takasan ang magulong Metro Manila? Pero delikado para sa babaing tulad niya ang narito. Kahit ba walang krimen dito e hindi siya dapat magtiwala. Lahat nang lugar ay may ahas.

 

NANG makarating sa kanyang kubo ay binalangkas ni Dong ang gagawing pagpapakilala sa babae. Magpapakilala siyang may-ari ng MATANDANG TINALI FARM. Binata at may pinag-aralan. May mga negosyo sa Maynila at nagmamay-ari ng condo unit.

Halos hindi siya nakatulog sa magdamag dahil sa gaga-wing pagpapakilala.

Umagang-umaga ay naligo siya sa sapa. Nagsabong mabuti. Nagpaguwapo.

Nagbihis nang maayos at dakong alas singko ng hapon, nagtungo na siya sa kubo.

Habang papalapit sa kubo, kinakabahan siya. Baka hindi makipagkilala sa kanya ang babae. Pero nilakasan niya ang loob.

Tuma­wag siya.

“Tao po! Tao po!’’

Walang sagot. Inulit niya.

Wala pa rin.

Hanggang sa mapansin niya ang kandado sa pinto.

Walang tao sa kubo!

(Itutuloy)

vuukle comment

MATANDANG TINALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with