^

Punto Mo

Ang Bully (Part 8)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NABIGLA si William nang biglang lumuhod sa harapan niya si Dado.

“Parang awa mo na Attorney, tulungan mo kami. Gusto kong ipakulong ang walanghiyang lalaking iyon na nambaboy sa aking anak.”

Puno ng pait ang boses ni Dado na humahagulgol habang nagsasalita. Ang galit na kaytagal na kinimkim ni William sa taong umapi-api sa kanya noong bata pa sila ay tila napalitan ng awa.

Nag-flashback sa alaala ni William ang isang senaryo sa school noong nakahiga siya sa lupa habang nakatayo si Dado at tinatadyakan siya. Totoo ang gulong ng palad. Ang  nakatayo noon at nantatadyak ay nakaluhod ngayon at nagmamakaawa sa taong dati niyang tinatadyakan.

“Tumayo ka diyan Dado. Hindi mo na kailangang lumuhod para tulungan kita. Tinatanggap ko ang kaso ng iyong anak.”

Tumayo si Dado. Nagliwanag ang mukha. Pinahid ang luha.

“Maraming salamat classmate.”

 May inilabas na papeles mula sa brown envelop na kanina pa bitbit ni Dado.

“Attorney, wala akong cash na ibabayad sa iyo pero narito ang titulo ng lupang aming sinasaka. Ito ang ipambabayad ko sa iyo.”

“Dado hindi mo kailangang gawin iyan. Ano na ang ikakabuhay mo kung ibibigay mo ‘yan sinasaka mo? Itago mo na ‘yan at libre ang serbisyong ibibigay ko sa iyong anak.”

Buong kagalakang niyakap ni Dado ang kaklaseng ginawa niyang impiyerno ang buhay noong araw. Lihim na napangiti si William. Totoo palang nakakaluwag sa dibdib ang pagpapatawad. (Itutuloy)

vuukle comment

ANG BULLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with