^

Punto Mo

Karahasan sa halalan, tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ilang araw bago sumapit ang Brgy. at SK elections, umakyat na sa 34 katao ang naitalang nasawi sa pagsisimula ng election period.

Nag-umpisa lang yan Abril 14 at tatagal nga sa Mayo 9.

O hindi ba?

Barangay level pa lang yan, ganyan na kainit ang labanan, ang masakit nauuwi pa sa mga patayan.

Bukod pa ang mga nasugatan.

Eto ang nakakatakot, ayon sa PNP posibleng tumaas pa ang biktima ng mga karahasan na may kinalaman sa halalan bago o matapos ito.

Dahil sa pwedeng maganap na election-related violence kaya naman mas pinatindi ng PNP ang kanilang pagbabantay.

Malaking bagay ang nakakalat na checkpoint sa mga istratehikong lugar, marahil  lalo na sa mga  lugar na itinuturing na hotspots.

Good move naman ang ginawang pagbalasa ni PNP chief Director Gen. Oscar Albayalde sa may 1,900 na pulis.

Hindi sa ano pa man, ito ay dahil lamang sa nalalapit na eleksyon.

Napag-alaman kasi na karamihan sa mga ito ay kamag-anak ng mga kakandidato kung saan sila nakadestino.

Para nga naman hindi maimpluwensiyahan at masangkot pa sa electioneering ang mga pulis, makabubuting ilipat ang mga ito.

Pero pwede  rin naman silang bumalik sa dati nilang pwesto marahil pagkatapos na  halalan.

Patuloy tayong aantabay sa isasagawang eleksyon hanggang sa matapos ito at umaaasa naman ang mga botante lalu na sa kapulisan sa pagpapanatili sa peace and order hanggang sa matapos maging ang bilangan. Todong pagbabantay ang kailangan.

Kung maaari nga sana hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga casualty sa halalan.

Wala na sanang may magbuwis pa ng buhay.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with