^

Punto Mo

Lalaki sa China, bumili ng siopao sa halagang P800,000

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

AAKALAIN mong ginto ang palaman ng siopao na binili ng isang lalaki sa China matapos niyang bayaran ito ng 150,000 yuan (katumbas ng P800,000).

Nagulat si He Liuzhu, may-ari ng isang takeout food outlet sa Henan province sa China, nang madiskubre niyang isa sa kanyang mga customers ang nagbayad ng sobra-sobra para sa siopao na kanyang itinitinda.

Binayaran lang ng customer sa pamamagitan ng electronic payment ang siopao kaya hindi kaagad napansin ni Liuzhu na may nagbayad pala ng higit isandaang libong yuan para sa isang siopao.

May hinala naman si Liuzhu kung bakit nagkamali ang customer sa pagbabayad ng 150,000 yuan para lang sa siopao.

Nagkakahalaga kasi ang kanyang siopao ng 1.50 yuan (P12) at maari raw na ang mga sobrang zero ay ang PIN ng customer na kanyang nai-type kasunod ng 1.50 na presyo ng siopao.

Magwawalong taon na ang tindahan ni Liuzhu at ayon sa kanya ay kumikita ito ng 10,000 yuan buwan-buwan. Kaya naman laking gulat niya nang pumasok ang 150,000 yuan sa kanyang account dahil katumbas ito ng higit isang taong kita ng kanyang tindahan.

Nai-report na sa kompanyang nagbibigay serbisyo sa electronic payment system ang insidente. Tsinek na rin ni Liuzhu ang CCTV sa kanyang tindahan para sa pagkakakilanlan ng customer ngunit nagkataong dagsa ang mga mamimili noong mga oras na nagbayad ito.

vuukle comment

FOOD OUTLET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with