^

Punto Mo

Ang bully

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 5)

MALI ang akala ni William na panghihinaan na ng loob si Dado na i-bully siya dahil nakita nito kung paano sinuntok ng kanyang ama ang tatay nitong lasenggo. Pero hindi. Lalo pa siyang pinag-initan. Kung noon ay twice a week lang siya kinokotongan, naging araw-araw na ang panghihingi sa kanya ng pera at pambubuwisit kagaya ng pagsigaw sa kanya ng palasumbong, baklang malaki ang tumbong. Kinuha nito ang ideya sa sinabi na amang lasenggo na mukha siyang baklain at lalampa-lampa. Noong una ay hindi niya pinapansin. Ayaw niyang magpakita na napipikon siya. Pero minsan, itinaon nito ang pamiminyag ng bakla nang kasama niyang naglalakad ang kanyang crush na si Cristina.

“Aba at nanliligaw na ang baklang lampa!”

Umapaw na ang galit ni William na matagal na niyang kinikimkim. Tumakbo siya patungo sa kinauupuan ni Dado. Itinulak niya ito nang ubod nang lakas. Nahulog ito sa pagkakaupo sa pasamano. Una ang ulo. Tumayo ito. May dinukot na lapis sa bag. Iniunday ito kay William at tumama ang matulis na dulo sa kanyang labi. Buti na lang at nakita ng janitor ang pangyayari. Hinatak nito si Dado  kaya hindi natuloy ang ikalawang pananaksak. Nagtatakbo ito palabas ng school.

First time nangyari na may estudyanteng nanaksak gamit ang lapis. Noong panahong iyon, 1972, kapag ganoon na kagrabe ang kasalanan ng bata, tumatawag na ng pulis ang school. Hindi naman ikukulong si Dado. Papayuhan lang ito ng pulis na may kaunting pananakot, na kung uulitin pa niya ang pananaksak, sa kulungan na ang bagsak niya. O, ama niya ang ikukulong.

Mukhang tumalab ang pananakot ng pulis. Hindi na ito nambu-bully. Pero nagkaroon ng hiwa ang labi ni William. Kailangan itong tahiin para magsara ang sugat. Pero happy na rin si William kahit ang nguso niya ang naging “sacrificial lamb”. At least tumahimik na ang buhay niya at ng mga batang binibiktima ni Dado. Hanggang sa nag-grade 6 sila, hindi na aktibo sa pambu-bully si Dado.

Taon 2013. Nagkaroon ng reunion ang batch ni William. Binatukan si William ni Dado na may katarantaduhan pa rin. Gusto niyang magmalisya na sinadya ang pambabatok na kunwari ay friendly greetings lang. Siguro ay may galit pa rin ito sa kanya. Kagaya niya, galit pa rin siya kay Dado. Nananariwa ang asar niya lalo na sa tuwing masasalat niya ang peklat sa kanyang nguso. Malalim na noon ang gabi. Medyo lasing na ang karamihan sa mga lalaki. Isang kaklase nila, si Rolando ang umakyat sa stage. Kinuha ang microphone at nagsalita.

« Tinatawagan ko ng pansin si Diosdado Sacerdote. Panahon na para humingi ka ng tawad sa akin at sa mga ka-batch natin na binigyan mo ng impiyernong buhay noong araw. »

Napatigil sa pagtungga ng alak si Dado. Kumulimlim ang mukha

(Itutuloy)

vuukle comment

BULLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with