^

Punto Mo

Hubo’t hubad na rebulto ni Trump, naibenta ng $28-M

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG hubo’t hubad na rebulto ni US President Donald Trump ang naipagbenta sa isang auction sa Los Angeles sa halagang $28,000 (katumbas ng P1.45 milyon).

Hawig na hawig ni Trump ang istatwa, na kumpleto sa kanyang trademark na nakasimangot at malaking tiyan.

Isa ang istatwa sa mga ginawa ng isang grupo ng mga anarkista sa West Coast noong kasagsagan ng kampanya para sa US Presidential Elections noong 2016.

Noong taon na iyon, isa-isang naglitawan ang hubo’t hubad na mga rebulto ni Trump sa mga pangunahing lungsod sa US kabilang na ang Los Angeles, San Francisco, New York, Seattle at Cleveland dahilan upang maging laman ito ng balita sa iba’t ibang bansa.

Lima ang kabuuang bilang ng mga hubo’t hubad na Trump statue ang ginawa ng grupo at apat sa mga ito ang wasak na o kinumpiska na ng mga kinauukulan dahil sa pagtatayo ng mga ito sa mga pampublikong lugar nang walang kaukulang permit.

Ito ang dahilan kung bakit naging  mataas ang presyo ng kaisa-isang natitirang rebulto nang ito’y ipinasubasta sa Los Angeles kamakailan lang.

Plano naman ng nanalong bidder na i-display ang rebulto ni Trump sa kanyang pag-aaring haunted house na nasa Las Vegas.

vuukle comment

DONALD TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with