^

Punto Mo

EDITORYAL – Reward sa pulis na gagawa ng kabutihan

Pang-masa
EDITORYAL � Reward sa pulis na gagawa ng kabutihan

INATASAN ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Camilo Cascolan ang police commanders sa Metro Manila na i-monitor ang kanilang mga tauhan sa mga maliliit na nagagawang kabutihan at bibigyan ng reward ang mga ito. Mga simpleng kabaitan o pagtulong sa kapwa ay gagawaran ng pagkilala.  Sabi pa ni Cascolan, maaaring ang ipagkaloob sa mga pulis na nakagawa ng kabutihan ay paid leave of absence. Ito ayon kay Cascolan ay malaking tulong para mabigyan nang pagkakataon ang mga pulis na makapiling ang pamilya. Ang pagbibigay ng reward sa mga pulis ay para rin mapataas ang moral ng mga ito.

Maganda ang kautusang ito na ang maki­kinabang ay mga pulis na makakagawa ng kabutihan. Pero mayroon ding hindi maganda sa kautusang ito. Kung bibigyan ng reward sa magagawang kabutihan, parang sumasalungat ito sa sinumpaang tungkulin ng PNP na paglilingkuran at pagsisilbihan ang mamamayan. Dapat bang bigyan ng pabuya ang mga pulis sa nagawang kabutihan, gayung kasama naman talaga ito sa kanilang tungkulin.

Maganda ang layunin ng NCRPO chief para mapataas ng morale ng mga pulis sa Metro Manila pero ang pagbibigay ng reward kapag nakagawa ng kabutihan ay hindi naman dapat.

Paano makakasiguro na talaga bang nakagawa ng kabutihan ang pulis? Marami ngayong peke. Maaaring kukunan lang ang isang scene na ina­abutan ng pagkain ng pulis ang pulubi at ayos na ang butu-buto. Paano kung pakitang-tao lang pala ang eksena. Madali lang gumawa ng pekeng eksena.

Mas maganda kung ang bibigyan ng pagkilala ay ang pulis na mag-isang lumaban sa holdaper sa loob ng bus o dyipni. Napatay niya ang mga holdaper. Ito ang hindi peke. Mga dapat na ganitong pulis ang dapat mabigyan ng reward na malaki at hindi barya-barya lang.

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with