^

Punto Mo

Ang bully

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 2)

LABING-ISANG taon noon si William nang mula sa Maynila ay lumipat sila ng tirahan sa probinsiya ng kanyang ama. Nagtayo ito ng babuyan. Animal husbandry ang natapos ng kanyang ama. Nagsawa sa pangangamuhan dahil ang may-ari lang kompanyang pinaglilingkuran nito ang yumayaman. Naisip nitong maghayupan para siya naman ang yumaman.

Mahirap maging transferee sa isang eskuwelahan na lahat ng estudyante ay dati nang magkakakilala sapul pa sa pagkabata. Wala siyang kaibigan. Payatot at pandak siya kaya malakas makaakit ng mga bullies.

Isang araw na pupunta siya sa canteen, bigla siyang hinarang ng isang batang matangkad, busangot ang mukha at may kaitiman ang balat. Nang magsalita ay nalaman niyang katerno ng kulay ng balat ang gilagid nito—saksakan din ng itim. Iniharang ang paa nito sa pintuan.

“Opps…may entrance fee”

“Dado, ‘andyan na si Mam, baka makita ka!” bulong ng kasama nito na mukhang kanang kamay.

Nalaman niyang taga-section 7 si Dado, last section sa grade 5. Hindi niya ito kilala dahil section one siya. Nang mga sumunod na araw, ipinakilala ni Dado kay William kung sino siya sa buong grade 5. Paglabas niya sa gate ng school nang uwian, biglang may humigit sa kanyang backpack. Paglingon niya, si Dadong maitim ang gilagid.

“Ibigay mo na ang entrance fee na hinihingi ko sa iyo kanina sa canteen.”

Ito ang tipikal na bully na nangongotong sa kapwa estudyante, naisip niya. Gusto man niyang  magmatapang, malabong matalo niya ito sa suntukan. Mas matangkad ito sa kanya. Hanggang balikat lang siya. O, may tsansang manalo siya kung magsasanay siya ng karate ng ilang buwan. Kaya ang pinakamabuting paraan ay tumakbo nang mabilis. (Itutuloy)

vuukle comment

BULLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with